Sixteen

1K 9 0
                                    

UNTITLED

"The war has just begun." after saying those words, a thunder echoed on that wide field.

That field where black and white vampires are ready to tear each others heart. Ready to turn their bodies into ashes and they are ready to brutally murder their enemies.

Black vampires, the bad ones who wanted to own the world and they wanted to drunk the blood of every single human being.

The white vampires who are the opposite of them. They only drink animal blood and they wanted peace.

Naunang sumugod ang mga itim na bampira. Balot ng makakapal na tela ang kanilang mga braso at kamay, tapos ay may mga pilak silang hawak na panlaban sa mga puting bampira.

A loud growl echoed when a flying vampire shove the silver things against their opponent.

Kapag na-dikit kasi ang pilak o silver sa balat ng mga bampira ay mataas ang porsyentong maaari silang masunog, malapnos ang mga balat at agad na mamatay. Iyon ay mabisang armas laban sa mga bampira.

Walang pag dadalawang isip na sumugod rin ang mga puting bampira. Ganoon rin ang ayos ng mga ito, balot ng tela ang mga katawan dahil alam na nilang iyon ang gagamiting panlaban ng mga kalaban sa laban sa kanila.

That was the longest brawl that ever happened in the vampire world. Ashes are everywhere and ripped bodies without a heart can also be seen.

The black vampires are winning, that leave the white ones without a choice. Oras na para i-labas nila ang natatanging armas na hinding hindi kakayanin ng mga itim na bampira.

"Lord Kiero, it's time! Hindi na natin kaya ang pwersa ng mga kalaban. Nag mamakaawa kami, i-labas niyo na siya!"

That's when a young man came out of nowhere.

Napatigil ang lahat at nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Tanging malalalim na hininga at yabag lamang ng lalaki ang maririnig.

Wala itong kaalam alam, bakas ang takot at kaba sa kaniyang mukha. Sa kaniyang likuran ay isang bampira at nakatutok sa kaniyang ulo ang isang espada.

"Lord Kiero." bulong ng isa sa mga bampirang puti sa kanilang pinuno.

Humihingal na napa-upo ang kanilang pinuno habang nakatitig sa lalaking nag lalakad papunta sa kabilang panig.

Labag iyon sa kanilang loob. Ang gagamit ng tao laban sa mga kalaban, ngunit hindi lang ito basta basta tao. Dahil anak ito ng kanilang pinuno, anak ng pinuno ng mga itim na bampira.

"Walang gagalaw! Walang susugod! Umatras kayong lahat!" nanginginig sa galit na sigaw ng kanilang pinuno.

Ngunit may isang bampira na hindi nakapag pigil, gutom na gutom nitong sinugod ang lalaki ngunit bago pa nito mahawakan ang binata ay naging abo ito.

"Kung sino pa ang nais matulad sa kaniya sige, sugurin niyo ang anak ko." matigas na sabi nito habang ang tingin ay nakatitig sa lalaking nakatayo ilang metro ang layo sa kanila.

"Merry christmas, papa."

"Iver, anak." ang huling salitang nabanggit ng itim na bampira bago sila unti-unting naubos.

Hindi iyon simpleng pag-bati lang, signal iyon sa mga puting bampira para sugurin at ubusin na ang kanilang mga kalaban. Nanigas lang sa kaniyang kinatatayuan si Iver habang pinapanood ang pagka-ubos ng kaniyang lahi.

Hindi makagalaw ang pinuno ng kalaban, tila tinanggap na nito ang pagkatalo habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang anak.

Naubos ang kalaban at tanging ang ama nalang ni Iver ang nakatayo sa kabilang panig, hindi ito kumilos o pumalag pa ng hulihin siya ng mga puting bampira.

Hindi niya kayang maging bayolente sa harap ng anak, hindi niya kayang makita ng kaniyang anak na kaya niyang pumatay at hatiin sa dalawa ang isang bampira. Hindi niya kayang makita ang galit, sakit, at takot sa mata ng kaniyang anak para sa kaniya. Hindi niya kaya. Kaya naman hindi siya pumalag, wala siyang ginawa. Tinanggap lamang niya ang pangyayari.

Kahinaan man iyon sa paningin ng kaniyang mga kakampi ngunit wala siyang paki. Mas gusto niya pang matalo kaysa makita ang hindi kaaya-ayang reaksyon ng kaniyang anak.

Sumuko siya at hindi na pumalag.

Hindi siya pinatay ng mga bampirang puti pero i-kinulong siya. Iyon na rin ang hiling ng anak nito. Bilang pag galang at kabayaran sa paggamit kay Iver, sinunod nila ang nais nito.

Just right after the war ended, the leader of the white vampires oredered everyone to celebrate the christmas in their palace.

––

"And that was the last time I saw my father." ani Iver habang nakatingin sa kaniyang mga anak.

Gabi iyon at tapos na silang mag salu-salo. It was christmas eve, kumpleto ang pamilya ng asawa niya sa kanilang bahay.  Imbis na masaya ang kwentuhan nila sa araw na iyon, naisip niyang i-kwento sa kaniyang mga anak ang kaniyang nakaraan.

"They used me against my father. It was christmas, I want to be with him but he is busy killing those white vampires. I can't do anything because I was just a kid." anito at ininom ang kaniyang alak.

"Wow, papa. That was amazing." manghang komento ng kaniyang anak na ikina-tawa niya.

Iyon na ang una't huling kinwento niya ang kaniyang nakaraan.

One Shot Stories Where stories live. Discover now