Chapter 34

933 24 3
                                    

Nakatitig ako ngayon sa screen ng cellphone ko. Nakatitig mismo sa numero na nakapangalan kay Phoenix. I've been meaning to asked him about last night.

Feeling ko kasi parang may konting tampo siya sa akin kahit na ipinakilala ko na siya sa parents ko kagabi.

Binaba ko ang hawak na cellphone sa study table. I tried to click the call button but I end up groaning while leaning my head on the table.

"Bakit ba kasi hindi mo nalang tawagan?" tanong ni Perrie na nakatayo sa tabi ko.

I looked at her and she was reading one of my books.

"Ayoko namang magmukhang clingy." I said and leaned my head on the study table again while staring at my phone.

"Tumawag lang, clingy agad? Hindi ba pwedeng nangangamusta lang?" rinig kong sabi ni Martina.

Ipinatong ko ang isang siko sa lamesa at isinandal ang ulo sa aking palad. Nakita kong nakahiga si Martina sa kama ko ngayon habang nakatingin sa akin.

She was staring at me while indulging her lollipop.

"Nagkita na nga kami kagabi tapos ngayon naman kukulitin ko siya sa trabaho niya."

I sighed.

Kanina pa sila nakarating dito. Hindi nga siguro ako magigising kung hindi sila dumating. Hindi ko naman kasi nabasa iyong chat nila sa akin kagabi na pupunta sila ngayon.

Marami agad silang mga tanong sa akin. Sinagot ko naman lahat. Alam narin nila kung ano pang mga naganap doon sa birthday party. Mukhang hindi naman sila nagulat nung sinabi kong kami na ni Phoenix. Mas nagulat sila nung sinabi kong naghalikan kami.

Hindi naman naging awkward nung sinabi ko iyon dahil pareho silang kinilig sa sinabi ko.

"Ano ba kasi talagang problema at bakit gusto mo siyang tawagan?" sabi ni Perrie at inayos pa ang suot na glasses.

I pouted. "Napag-usapan kasi namin kagabi kung sasabihin naba niya kila Dom iyong tungkol sa amin."

"Let me guess, hindi ka pumayag?" Martina rolled her eyes at me.

"Nagtampo ba?" tanong ni Perrie.

"Iyon na nga ang inaalala ko. Wala naman siyang sinabi pero kasi feeling ko nagtatampo siya. Naguguilty tuloy ako."

Napasimangot nalang ako.

Biglang tumayo si Martina at bigla nalang kinuha ang cellphone ko.

"Huy, anong ginagawa mo..."

Aagawin ko pa sana ang cellphone sa kanya pero huli na dahil natawagan na niya ang number ni Phoenix.

Mariin ko nalang naipikit ang mga mata at napakagat ng labi dahil sa kaba.

Nilakasan ni Martina ang volume para marinig naming tatlo.

"I'm not going to end this call. Not until you settle your problems with him." sabi ni Martina nang sinubukang kong agawin ang phone sa kanya.

I gave her an annoyed looked as we wait for Phoenix to answer the call.

"Hello?"

Sabay kaming nagkatinginang tatlo nang makarinig kami ng pamilyar na boses ng babae.

"Hello? Who's this?" tanong ng babae sa kabilang linya.

Wala naman sana akong balak magsalita pero kasi siniko ako ni Perrie.

Massive CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon