Chapter 27

1.2K 38 3
                                    

Hindi ko napigilang ikagat ang mga labi nang magtama ang tingin naming dalawa ni Phoenix mula sa rear view mirror ng sasakyan niya.

Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Phoenix. Sinundo kami ni Phoenix at hindi na nagtaka pa si Martina at Perrie kung paano niya nalaman ang bahay namin dahil alam naman na nila ang totoo.

Tahimik lang kami simula kanina pa nung nakasakay na kami dito. Kung normal na lakad lang iyon at hindi pa alam ni Martina at Perrie ang totoo edi sana hindi ganito ka awkward ang sitwasyon namin.

Hindi alam ni Phoenix na alam na nila Martina at Perrie.

Tumikhim si Perrie nang mahuli niya kaming nagkatitigan ni Phoenix sa salamin. Agad na nagiwas ako ng tingin sa salamin at itinuon ang pansin sa labas ng bintana.

Nakaupo ako dito sa backseat at katabi ko si Perrie. Si Martina naman ay nakaupo sa tabi ni Phoenix. She was quiet all the time. Nagtataka nga si Phoenix at tinanong ang kakambal kung bakit wala ito sa mood. Hindi naman siya kinibuan ni Martina kaya wala rin siyang nagawa kundi ang tumahimik.

"Eyes on the road, Phoenix." makahulugang sabi ni Martina.

"My eyes are on the road, Martina." sabi ni Phoenix. Inirapan lang siya ni Martina at padabog na sumandal sa inuupuan nito.

"Stop giving me the attitude, sis. I'm not gonna get us killed. Just chill." natatawang sabi ni Phoenix.

Nakakrus ang mga kamay na bumaling sa kanya si Martina.

"Say what? Attitude problem? You wanna talk about problems now?" tanong ni Martina na puno ng pagbabanta.

Hindi ko napigilang mapalunok habang nakatitig sa kanilang dalawa. Nagkatitigan pa kami saglit ni Perrie dahil mukhang pareho rin kaming na awkward sa sitwasyon.

Phoenix sighed. "Wala naman akong sinabing may attitude problem ka... ano bang problema mo?" kalmadong tanong ni Phoenix habang palipat lipat ang tingin sa daan at sa katabi.

"Sa tingin mo anong problema, Phoenix?" balik na tanong ni Martina sa kanya.

"Bakit mo binabalik sa akin ang tanong?" naguguluhang tanong ni Phoenix sa kanya.

Tinitigan ako saglit ni Martina bago sumandal sa inuupuan.

"Wala." sabi niya kaya biglang na curious si Phoenix at hindi siya tinantanan hanggang sa makarating kami ng mall.

Nagtanong pa siya sa amin kung anong problema pero wala din kaming nasagot sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot. Si Perrie naman hindi rin kumikibo. Mukhang badtrip rin siya kay Phoenix.

Sinabayan ni Perrie ang lakad ni Martina kaya naiwan kami ni Phoenix sa likod.

"Is there something wrong? What's wrong with Martina?" tanong ulit ni Phoenix sa akin.

Kinakabahang bumaling ako kila Martina bago siya tinignan.

"Alam na niya..."

Naguluhan yata siya sa sagot ko kaya napatigil ako sapaglalakad at bumaling sa kanya.

"Alam na niya ang tungkol sa panliligaw mo sakin." sabi ko.

Nang sabihin ko iyon ay parang hindi na siya nagulat o kinabahan man lang. I guess it was never an issue for him to tell others about us.

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari kanina kung paano ako nahuli ni Martina at Perrie.

"Bakit kapa kasi nagchat?" paninisi ko sa kanya.

He chuckled. "You could've just inform me na magkasama pala kayo sa bahay niyo."

Inirapan ko nalang siya at nauna nang maglakad palapit sa dalawa kong kaibigang mukhang may binabalak ata ngayon. Okay naman kaming nakapagusap kanina. But these two are doing it again. I think they're plotting something.

Massive CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon