Chapter 7

1.5K 52 11
                                    

"Bilib rin talaga ako sayo, Chenie. Paano mo ba natitiis na ibully ka lang ng lalaking iyon?" tanong ni Perrie matapos naming magtawanan nang lagpasan kami ni Phoenix.

"Ewan ko ba, hindi ko alam. Naisip ko kasing masyado magiging abala lang rin ako kina Mama at Papa. The last time kasi na nagsumbong ako sa principal at nang pinatawag ang parents ko, naging strict na ang parents ko," sabi ko at napatingin sa mga kamay ko. "To the point na araw-araw akong may bodyguards, pati pagpunta sa school. Halos hindi na nila ako pinapalabas ng bahay." dagdag ko pa.

"Wala naman akong nakikitang umaaligid na bodyguards mo, ah? Since nung first year high school palang tayo, wala akong napansin." sabi ni Perrie habang nag-iisip.

"Hindi ko kasi hinahayaang pumasok sila sa school kasama ako, hanggang parking lot lang sila." sabi ko at tinignan siya. "Nakakahiya kaya, baka mas lalo lang akong tuksuhin ng mga Dowellians." dagdag ko pa at hinablot ang isang baso ng tubig na hula ko ay kay Kuya Charles. Iinumin ko ito, bahala na kapatid ko naman si Kuya Charles.

I saw Perrie rolled her eyes at me. "Hindi lahat ng Dowellians ay ayaw ka. Ang iba diyan ay naaawa sayo dahil sa pangbubully nila Vanessa at Phoenix." hinawakan niya ang kamay ko.

"Tss." binawi ko ang kamay ko sapagkakahawak niya.

"Believe me, marami kaming naaawa sayo. Hindi mo lang napapansin." pangkukumbinsi niya.

"Kung naaawa sila sa akin, bakit wala man lang ni isang ipagtanggol ako?" tanong ko.

"My dear, you know how important their reputation for them." sabi niya. Napatingin siya sa mga tao sa paligid bago ako tinignan. "Lahat ng tao may iniingatang reputasyon. Kadalasan, kahit gustuhin mo mang tumulong kung ikakasira ng reputasyon mo," she sighed. "Hindi mo magagawa."

Hindi ako makapagsalita dahil sa mga lumalabas sa bibig niya ngayon. Hindi enough reason iyon. Kahit saang anggulo mo tignan mali parin.

"Napapangunahan lang sila ng takot nila, natatakot silang madamay." sabi niya.

"It's not fear. It's selfishness." malamig na sabi ko sa kanya. "Guilt was overshadowed by fear but then fear was overshadowed with selfishness. Once na makaramdam ka ng takot, talagang ang unang iisipin mo ay ang sarili mo." sabi ko.

"Guilt? Hindi sila nagkasala, Chenie. Natural na matatakot ka dahil hindi mo lang sarili mo ang dinadala mo pati na din ang mga bagay at tao na nasa paligid mo talagang maapektuhan." depensa niya.

Napabuntong hininga ako. "Okay, let's end this. Bakit ba ito ang topic na pinag-uusapan natin?" tanong ko sabay tawa.

Napatawa naman siya. "Sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko. Natural concern ako sayo, kaibigan kita."

Kaibigan.

I never thought that word would give massive impact on me.

"Oh, em... gee." natigil kami pareho ni Perrie nang biglang dumating si Martina na nakangiti pa na nagpipigil na tumili. "Sa wakas nakita ko rin kayo! I was so busy kanina, akala ko talaga hindi ko na kayo malalapitan. Ang dami ko pang ine-entertain." sabi niya at isa-isa kaming niyakap. Hinila niya ang pinakamalapit na upuan at umupo doon at itinuon agad ang tingin sa akin. "So, anak ka pala ng family friend namin." sabi niya.

Napatingin silang dalawa sa akin. 

"Ah, oo." hilaw akong napangiti sa kanila. "Nagulat nga ako nang makita ko ang kambal mo." sabi ko at napakamot ng ulo.

"Small world." nakangiting sabi ni Martina at bumaling kay Perrie at binati rin ito kung ayos lang ba siya at kung may kailangan ba kami. 

Pagkatapos noon ay nagpatuloy kami sapag-uusap tungkol sa party at kung gaano ka engrande na pinaghandaan iyon. Napansin ko din na hindi ko na nakitang bumalik pa si Kuya Crimson. Si Kuya Charles naman ay kanina pa nakabalik dala ang inumin na gusto niya, kanina pa nga siya nakikinig sa usapan naming tatlo e. Pinakilala ko naman siya kina Perrie at Martina. Napapansin ko din na madalas siyang nakatingin kay Martina, napapansin iyon ni Martina pero pinilit niyang maging normal kahit na hindi na siya kumportable sa mga tingin ni Kuya.

Massive CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon