Chapter 28

1.1K 32 5
                                    

Tahimik akong nakayuko habang ngumunguya ng kinakain ko. Umaga na at nandito ako ngayon sa dining area kumakain ng breakfast kasama si Mama at Papa pati narin si Kuya Crimson.

Hindi ko magawang tumingin sa kanila lalo na kay Papa dahil alam kong gulat parin silang dalawa ni Mama sa nangyari kagabi.

"I can't take this silence anymore..."

Sabay kaming napabaling kay Kuya nang bigla niyang ibinagsak ang mga kubyertos na hawak.

Napatingin siya sa aming tatlo.

"Bakit ang tahimik niyong lahat? May nangyari bang hindi ko alam?" tanong niya sa amin.

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

Tumikhim si Papa at binaba ang hawak na kubyertos. Bumaling siya sa akin at pagkatapos ay lumipat ang tingin niya kay Kuya.

Si Kuya naman mukhang napansin na may sasabihin si Papa kaya nakatingin rin siya dito. Akmang magsasalita si Papa nang biglang sumabat si Mama.

"May manliligaw ang kapatid mo!" natutuwang sabi ni Mama.

Napailing nalang si Papa. "You always knew how to steal my moment, Aranida."

Napakunot naman ang noo ni Kuya at napatingin sa akin tapos balik ulit tingin kay Mama.

"You mean, may nililigawan si Kuya Chosen?" tanong ni Kuya kay Mama.

Umiling naman si Mama.

"Ah, si Charles?"

Umiling si Mama. "No! Ano ka ba naman Crimson! Ang ibig kong sabihin may manliligaw na ang kapatid mo, si Chenie!" natutuwang paliwanag ni Mama sa kanya.

Napangiwi naman ako nang sabihin niya iyon kay Kuya.

Napatitig si Kuya sa akin. Ako naman hindi ko alam saan babaling.

"You mean... si Chenie..." tinuro niya pa ako at nag-iisip kung tama ba ang narinig niya.

Akala ko ay kung anong sasabihin niyang masama pero bigla nalang siyang tumawa habang nakatingin sa akin.

"You got to be kidding me? Manliligaw? Si Chenie!" hindi makapaniwalang sabi niya habang tumatawa pa.

Natutuwang tumango tango naman si Mama sa kanya.

At nang mapansin ni Kuya na seryoso si Mama sa mga sinabi niya ay bigla siyang napatigil sa kakatawa.

"You're not serious, right?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Mama at napansin niya pa ang pagiging tahimik ni Papa habang patuloy na kumakain.

Ngumiti lang si Mama sa kanya at ngumiti sa akin sabay himas ng braso ko.

Kumunot ang noo ni Kuya at mukhang hindi nagustuhan ang nalaman niya. Bumaling siya kay  Papa.

"Pa, seryoso ba'to?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Papa.

"Pumunta dito kagabi ang apo ni Don Edilberto. Siya ang naghatid kay Chenie pauwi. Nagpakilala siyang manliligaw ni Chenie." sagot ni Papa habang abalang naglalagay ng pagkain sa plato niya.

"And then, what? Hinayaan mong makapasok ang lalaking iyon dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya sa kanya.

"Crimson, mabait naman si Phoenix eh. Magalang siyang bata. Walang takot siyang nagpakilala sa amin bilang manliligaw ng kapatid mo." paliwanag ni Mama sa kanya.

"Ma, ano kaba naman? Siyempre, mabait iyon kasi nangliligaw pa. Eh, paano kung gaguhin lang niya si Chenie?"

"Hm, subukan niya lang." biglang sabi ni Papa.

Massive CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon