Chapter 56

1.2K 36 4
                                    

Ilang araw rin ang nakalipas simula nang ma-ospital si Maegan. Nakahanap narin ako ng mag-aalaga sa kanya at dahil weekend ngayon ay iniwan ko muna siya sa condo kasama ang Yaya niya.

"The sales are not doing great this week." pagod na pahayag ko kay Madonna habang nakahilata siya ngayon sa mahabang sofa ko dito sa office.

"Ganyan talaga 'yan, Chenie. Lalo na at seasonal lang ang binebenta mo. Don't worry, irerefer naman kita sa mga kakilala ko." sabi niya habang hindi parin maalis ang tingin sa hawak na phone.

Abala yata sa mga ka-fling niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at ipinatong ang dalawang braso sa lamesa para ihiga ang ulo ko doon.

"Ayoko na... nakakapagod." mahinang sabi ko.

"Ayaw mo na? So, pwede ko na bang ampunin ang pamangkin ko?" narinig kong biro niyang tanong kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Of course, it was a joke. You idiot! Nakakapagod kaya bantayan iyang anak mo." sabi niya sabay tawa.

Napailing nalang ako at ngumisi bago hiniga ulit ang ulo sa lamesa.

"Pumupunta parin ba si Phoenix dito?" biglang tanong niya.

"It's been weeks, since the last time he came here. After our argument he never got to visit again." sagot ko.

Alam na ni Madonna ang tungkol sa madalas na pagpunta ni Phoenix dito sa pastry shop. This week lang kasi nagkaroon ng time si Madonna na maka bisita dahil abala siya sa trabaho niya.

"Do you know why he always visit here?" biglang tanong ni Madonna kaya napalingon ako sa kanya.

I chucked. "Probably, to pissed me off." I said as I lay my head again on the table. "Reminding me how much I hurt him..." mahinang sabi ko pero alam kong narinig iyon ni Madonna.

I heard she sighed. "Duh? It's because he misses you!"

Bigla akong napabangon dahil sa sinabi ni Madonna.

"Stoo talking nonsense, Madonna." sabi ko.

Magsasalita pa sana siya pero hindi niya nagawa iyon dahil biglang kumatok si Karla dahil nay kailangan iyon. Kinailangan kong tumayo at samahan siya. Naramdaman ko namang sumunod si Madonna sa akin kahit nakalabas na kami ng opisina.

"Ano pa bang dahilan kung bakit pumupunta ang ex mo dito, Chenie?" rinig kong tanong niya habang naglalakad kami sa gilid ng counter.

"Maybe, to buy some coffee or something?"

Sinabi naman sa akin ni Karla ang concerns niya regarding sa machine. Tinulungan ko naman siya habang si Madonna hindi parin matigil sa kakatalak.

"There are tones of coffee shop near our building, Chenie."

I rolled my eyes. "Stop putting malice on it, Madonna. May fiancée na iyong tao." sabi ko at binalingan siya saglit.

I had to put an end on the conversation because my employees are obviously listening to all her nonsense rants.

"Stop, denying it, Chenie. Bakit mo binasted agad si Floyd? Dahil ba umaasa ka parin na magkakabalikan kayo ni Phoenix?"

Napatigil ako sa ginagawa at napabaling sa kanya. Pansin ko rin ang mga gulat at nagtatakang tingin ng mga empleyado ko sa aming dalawa.

Napalunok ako at hindi alam agad kung anong isasagot.

"O-Of course, not!" pagtanggi ko.

"You better be sure of yourself, Chenie. Because I think Tita Lady is planning on pushing the legalities regarding the engagement between Phoenix and Hera." seryosong sabi niya.

Massive CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon