Sa waiting area sa airport. Nakatitig kami pareho sa harapan ng runway, nag-aabang sa oras ng pagsakay sa eroplano. Magkasama kaming nakaupo. Magkatabi. Tahimik na nagmumuni-muni. Walang masabi sa isa't isa. Matagal na kaming nakaupo sa kinalalagyan namin, pero ni isang salita, walang lumalabas sa bibig namin. Not a single sound.
Ako si Samuel. Sammy sa mga kabarkada ko. Madalas mo akong makikita sa mga art galleries at mga exhibits. Isa sa mga hilig ko ang magpinta. Kapag wala akong masyadong ginagawa at hindi naman ako nagpipinta, gitara lang ang kasama ko. Kung hindi ko tinutugtog ang mga kanta ni Noel Cabangon, sa malamang, Gary Granada ang maririnig mong tinitipa ko. Eto na ang naging bisyo at libangan ko.
Simula pagkabata, hindi naman ganoon karami ang mga kaibigan ko. Pero isa sa kanila ang naging malapit sakin. Si Anna. Isang lifestyle writer sa isang magazine at freelance photographer. Bata pa lang kami, magkaibigan na kami. Siya ang lagi kong kasama simula pa noong nagkamalay ako. At siya ang kasama ko ngayon. Katabi sa upuan dito sa airport. Kasamang nag-aantay sa pagsakay ng eroplano.
Dumating na ang eroplano. Natatanaw ko na ito...
VOICE OVER: All passengers of Flight 421, please be ready to board the plane.
SAMMY: Nandyan na ang eroplano.
ANNA: Oo nga. So ano na? Magtititigan na lang ba tayo dito?
SAMMY: Anong gusto mo? May sing and dance number tayo dito sa airport?
ANNA: (bahagyang natawa...) Loko. Sira talaga ang ulo mo.
(sabay silang tumayo mula sa kanilang kinauupuan...)
ANNA: So ano na?
SAMMY: Nalulungkot ka ba?
ANNA: Ano ba namang klaseng tanong yan?
SAMMY: Sige. Ibahin ko ang tanong. Natatae ka ba?
ANNA: (natawa...) Sira! Lalo namang nakakainis ang tanong na yan.
SAMMY: Hindi mo naman kasi kailangang malungkot. Pwede ka namang maging masaya. Nasa sa iyo na nga lang kung gusto mo talagang maging masaya.
ANNA: (medyo naluluha na...) Gusto ko namang maging masaya... Kaya lang... Kaya lang... (naiyak na parang bata... kinukusot ang kanyang mga mata gamit ang dalawang kamay...) Kaya lang kasi...
SAMMY: Don't worry. Di ba sabi ko sa iyo, if you want, if you really want, I can always be your friend. If being my friend is what you really want, then, I can be the friend you'll always have. So huwag ka nang umiyak...
(sabay punas ng luha sa pisngi ni Anna... inabot niya ang puting rosas na itinago niya kay Anna...)
SAMMY: Do you wanna know why this rose is white? Because it is a sign of a new beginning and a sign of remembrance. It shows that while we start anew, we start fresh, at the same time, it says that "I'm thinking of you."
ANNA: Sana totoo lahat yan... (habang umiiyak...)
SAMMY: Kung hindi totoo ito, eh di sana sinabi ko, "Joke lang!"
ANNA : (natawa ng bahagya...) Huwag ka ngang makulit.
SAMMY: So gusto mo bang sumaya?
ANNA: Oo.
SAMMY: Then take this rose. It is pure. It is clear. It is me.
Siguro nagtataka ka kung paano kami umabot ni Anna sa sitwasyon na ito. Ako rin. Nagtataka rin ako. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako. And I still have no explanation. I still understand nothing of what happened.
Una kong nakilala si Anna noong mga bata pa kami, sa isang children's party. Seventh birthday ng pinsan ko noon. Kasing-edad ko lang. At doon nagsimula ang lahat...
BINABASA MO ANG
BYAHE NG BUHAY
RomanceMatagal na umasa si Sammy kay Anna. Pero ni minsan, hindi ito naglakas ng loob na umamin sa dalaga. Saan kaya ang byahe ng buhay ng dalawa?