CHAPTER THREE: SA HIGH SCHOOL (ANG TRAHEDYA)

11 0 0
                                    

Naging malapit kaming magkaibigan ni Anna. Dahil alam ko na kung saan siya nakatira at naging friends na rin ang mga Nanay namin, nakakadalaw ako sa kanila para maglaro at ganun din naman siya sa amin. Minsan nga, lumalabas pa kaming magkasama. Kapag ako ang kasama niya, panatag ang mga magulang niya, dahil nga naging close friends kaming dalawa. Pero dahil sa pagkakaibigan naming iyon, napansin ko na, unti-unti, nakakaranas ako ng pagbabago. Nag-iiba ang mga sitwasyon sa paligid ko…

Nahuhulog na ang loob ko kay Anna. I think I’m falling for her.

Lumalabas kaming dalawa. Madalas nga sa akin siya nagpapasama. At napansin ko rin na binibigyan ko na ng halaga ang mga bagay na sa tingin ko ay mahalaga sa kanya. Sigurado ako na ang paborito niyang pagkain ay Adobong Kangkong kasama ang Pritong Galunggong. Kapag kakain ng pizza, ayaw niya ang Hawaian dahil hindi niya gusto ang pinya sa pizza. Hindi siya umiinom ng Pepsi. Regular Coke ang softdrinks niya. Hindi Light. Hindi Zero. Regular Coke. Mas gusto niyang maag-DVD marathon sa bahay kaysa sa manood ng sine. Mahilig siyang magbasa ng mga investigative novels tulad ng kay Agatha Christie at ang Sherlock Holmes ni Sir Arthur Conan Doyle kaysa sa magbasa ng mga showbiz magazines. Hindi siya mahilig pumorma. Simple lang siyang manamit. Walang masyadong garbo. Wala ring masyadong make-up. Mahilig siya sa sports. Gusto niyang maglaro ng volleyball pero kahit magaling siya, ayaw niyang sumali sa Varsity Team. Ito at marami pang mga bagay ang alam kong mahalaga sa kanya, pero kung sasabihin kong lahat iyon, kukulangin ang isang buwan para maikwento ko nang detalyado ang mga bagay na iyon. Doon ko napansin na mahalaga na pala sa akin si Anna. Even more important than a friend. She became my sister. My ally. My closest enemy. My best friend. And I hoped for more…

Dahil pareho naman kami ng school noong high school, madalas, kapag breaktime, magkasama pa rin kami. May mga pagkakataon na kasama rin namin ang iba pa naming mga kanya-kanyang kabarkada, pero hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakakuwentuhan man lang ni Anna.

Hanggang isang umaga, during breaktime, napansin kong tinawag ng Guidance Counselor ang atensyon ni Anna. Dahil breaktime naman at malapit ang room namin sa Guidance Office, naintriga ako at sumilip ng bahagya. Nakita kong nag-uusap ang Guidance Counselor at si Anna. Hanggang sa bigla na lang umiyak si Anna. Tumayo ang Guidance Counselor at niyakap si Anna. Iyak lang siya nang iyak. Hindi tumitigil. Nag-alala na ako. Ano kayang nangyari? Anong sinabi sa kanya? Bakit siya umiiyak?

Tumakbo ako papunta sa garden ng school. Naalala ko kasi yung English Teacher ko, nagkukuwento na marami raw iba’t ibang klase ng rosas sa garden ng school. Hinanap ko agad ang puting rosas. Nung makita ko ang kumpol ng mga puting rosas sa hardin, dali-dali akong pumitas ng isa at tumakbo pabalik sa labas ng Guidance Office.

Hinihingal pa ako nung makita kong palabas na ng Guidance Office si Anna. Nilapitan ko agad siya…

ANNA: (umiiyak pa rin…) Patay na si Papa…

SAMMY: (natorete…) Ha?! Ano?! Kailan pa?!

ANNA: (humihikbi…) Kanina lang daw… Inatake sa puso…

SAMMY: (hindi alam ang sasabihin…) Ha?! Ah…. Anna… Nakikiramay ako… Tahan na… Huwag kang mag-alala… (inabot ang puting rosas kay Anna…) Kapag may white rose ka, isipin mong hindi ka nag-iisa… Tahan na… Nandito ako… Sasamahan kita… Para sa iyo itong puting rosas na ito… Para sa Papa mo… Para sa pamilya mo… (sabay pinunasan ang mga luha sa pisngi ni Anna…)

Yumakap sa akin si Anna. Mahigpit. Ramdam ko ang kalungkutan na nararanasan niya. Hindi ko siya kayang iwan. Sinamahan ko siya hanggang sa napagod na siyang umiyak.

Gabi-gabi sinasamahan ko si Anna sa burol ng Papa niya. Hanggang sa libing, magkasama kami. Lalong naging malapit ang mga loob namin sa isa’t isa. Napansin ko na unti-unting bumabalik ang mga ngiti niya kapag sinasamahan ko siya at binibiro ko siya.

ANNA: You are a really good friend, Sammy. Thanks. Lagi mo akong sinasamahan. You never left. You’re the best friend I never had.

SAMMY: (nangungulit…) Sus! Ikaw naman. Akala mo lang yun. Mangungutang kasi ako sa iyo kaya pinagtitiyagaan kita. Masyado ka namang assuming.

ANNA: (natawa…) Loko ka talaga. Pero seryoso, salamat talaga. Pasensya ka na kung nakakabigat na ako sa iyo ha?

SAMMY: Ang pasensya sa bakery matatagpuan. Mukha ba akong baker? Tsaka kung sa tingin mo nakakabigat ka na, aba. Mag-diet ka. Tumataba ka na ata eh.

ANNA: (natawa… hinampas nang pabiro si Sammy) Sira! Puro ka talaga kalokohan.

Nakatapos kami ng high school na may mga ngiti sa mga labi. Lalo na ako. Dahil umaasa ako na balang araw, magiging mas malalim pa ang relasyon namin ni Anna. And when that day comes, I will be the happiest man on earth, at least iyon ang nasa isip ko noon…

College years. Isa sa mga crucial moments ng buhay namin ni Anna. At isang bagay ang nakita kong nagpabago sa aming mga buhay…

BYAHE NG BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon