Pumasok kami ni Anna sa college sa parehong university. Although magkaiba kami ng kurso, pumasok ako sa School of Fine Arts at siya naman sa School of Journalism, madalas pa rin kaming magkita. Best of friends. Best of friends lang. Lang. Iyon ang magic word na lagi kong naaalala. Lang. Pero sa puntong ito ng aming mga buhay, desidido na akong sabihin sa kanya na ayoko na ng “lang.” If possible, I want for us to be more than what we are right now.
Naisipan kong puntahan si Anna sa building niya. Excited na ako. Aaminin ko na sa kanya ang totoo. Ilang taon ko ring itinago ito. Sasabihin ko na sa kanya ang lahat-lahat. Hawak ang isang puting rosas, naglakad ako papunta sa building niya. Sabik na makita sa Anna. Sabik na makausap siya. Sabik na makapagtapat sa kanya. Finally.
Malayo pa lang, natanaw ko na si Anna. May kausap. Lalake. Nakatalikod sa akin yung lalake at si Anna naman ang nakaharap sa akin. Biglang napayakap ang lalake kay Anna. Sa pag-ikot ng lalake, naaninagan ko ang kanyang mukha. Si Greg. Si Greg ang kaklase ni Anna sa School of Journalism. Manliligaw niya ito. Sa pagyakap ni Greg kay Anna, nakita kong humalik ito sa pisngi niya. Doon na gumuho ang buong mundo ko. Isa lang ang nasambit ko sa sarili ko…
SAMMY: Open up, earth… Swallow me whole…
Umalis si Greg at naiwan si Anna. Napansin ko na lang na umiiyak si Anna. Napaisip ako. Lalapitan ko pa ba siya? Anong sasabihin ko? Ano pang aaminin ko kung may nakita na siyang para sa kanya?
Kahit na nagdadalawang-isip, nilapitan ko ang umiiyak na si Anna…
SAMMY: (inabot kay Anna ang puting rosas at pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi…) Tahan na. Don’t worry. Kaya nga may white rose, di ba? Para kung ano man ang ikinalulungkot mo, you can always start fresh. A new beginning. A new chapter in your life. I can always be your friend if you want. I am always your friend. Your friend. Always. The white rose says that “I’m thinking of you…”
At tsaka ako umalis matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayoko muna siyang makita. Siguro dahil nasaktan ako sa mga nakita ko. After ng event na iyon, umiwas na ako kay Anna.
Ilang taon din kaming hindi nagkita. Hindi rin nag-usap. Kahit text, call or PM sa FB, wala. That was the last time I saw her and talked to her.
Nakatapos na kami ng college. Nakapasok na rin ako ng trabaho as a graphic artist sa isang advertising company. Maganda naman ang sahod. But there was never a time that I do not think of Anna. I think of her everyday.
Hanggang sa nakatanggap ako sa kanya ng text isang araw…
ANNA: I’m off to Panama tomorrow. I have a job opening as an investigative journalist there. I’ll be staying there for three years. My flight is at 10 in the morning. If you want, you can see me in the airport at 7.
Iyon lang ang natanggap ko at nagdesisyon na akong pumunta ng airport the next day…
BINABASA MO ANG
BYAHE NG BUHAY
RomanceMatagal na umasa si Sammy kay Anna. Pero ni minsan, hindi ito naglakas ng loob na umamin sa dalaga. Saan kaya ang byahe ng buhay ng dalawa?