Una kong nakilala si Anna noong seven years old pa lang ako. Children’s Party yun. Birthday ng pinsan ko. Seven years old na rin si pinsan that time. Magkaibigan ang Mommy ni Anna, si Tita Rowena at ang Tita ko kaya naimbitahan sila. Nakita ko siya sa likod ng palda ng Mommy niya. Nahihiya. Natatakot. Ayaw makipaglaro sa amin. Kahit humiwalay sa Mommy niya, hindi niya magawa.
ROWENA: Anna, anong ginagawa mo sa palda ko? Bakit di ka makipaglaro sa ibang mga bata?
ANNA: Ayaw ko Mommy… Di ko sila kilala…
ROWENA: Kaya nga makikipaglaro ka para makilala mo sila. Sige na. Doon ka na sa mga kids.
ANNA: Ayaw ko Mommy… (nahihiya…)
Hanggang sa may mga batang nagtakbuhan malapit kina Anna. Naghahabulan. Nagtatawanan. Naglalaro. Nagbibiruan.
Tumakbo si Anna palayo sa mga bata. Hindi na rin niya napansin na palayo na rin siya sa Mommy niya. Tumakbo siya malapit sa garden sa takot sa iba pang mga bata. Hanggang sa nadapa siya sa may halamanan.
Iyak ng iyak si Anna. Yun ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. Kinukusot ang kanyang mga mata ng dalawang kamay habang patuloy ang pag-hikbi. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Lumakad ako papunta sa garden kung saan nadapa si Anna. At habang papalapit ako sa kanya, nadaanan ko ang isang kumpol ng mga puting rosas. Pumitas ako ng isa at lumapit kay Anna…
SAMMY: Okay ka lang ba?
ANNA: (umiiyak pa rin…)
SAMMY: Huwag ka nang umiyak. Sama ka na lang sakin. Laro tayo.
ANNA: (di pa rin tumitigil sa pag-iyak…)
SAMMY: (inabot ang puting rosas…) Sabi sakin ng Mommy ko, kapag daw nadadapa ako, tingnan ko lang daw ang mga white rose. Kasi raw, sabi ni Mommy, ang ibig daw sabihin ng white rose, pwede na raw tumayo ulit kapag nadapa. Kapag nakatayo na, pwede na ulit maglaro.
Inabot ko kay Anna ang puting rosas… Kinuha naman niya ito at tinanggap.
SAMMY: Anong pangalan mo?
ANNA: Anna.
SAMMY: Tahan ka na, Anna. Sama ka na lang sakin. Laro tayo. Kasi may white rose ka na. Pwede na ulit maglaro.
ANNA: (tinanggap ang puting rosas…) Thank you. Anong pangalan mo?
SAMMY: Samuel. Laro na tayo?
ANNA: (ngumiti…) Sige.
Iyon ang una naming pagkikita ni Anna. Sa pagkakadapa niya, doon ko siya naging kalaro at kaibigan. Mula noon lagi kaming magkasama. Dahil nalaman kong malapit lang ang bahay nila sa amin, napupuntahan ko siya sa bahay nila para yayaing maglaro. Naging best of friends kami noon. Pero unti-unti, napansin kong nag-iiba ang pagtingin ko sa kanya. Nagiging mahalaga na siya sa akin. Nagiging mahalaga rin sa akin ang mga bagay na mahalaga sa kanya.
Hanggang sa dumating kami ng High School. Isang pangyayari sa aming buhay ang nagpatatag ng aming pagkakaibigan…
BINABASA MO ANG
BYAHE NG BUHAY
RomanceMatagal na umasa si Sammy kay Anna. Pero ni minsan, hindi ito naglakas ng loob na umamin sa dalaga. Saan kaya ang byahe ng buhay ng dalawa?