Dumating na ang eroplano. Natatanaw ko na ito…
VOICE OVER: All passengers of Flight 421, please be ready to board the plane.
SAMMY: Nandyan na ang eroplano.
ANNA: Oo nga. So ano na? Magtititigan na lang ba tayo dito?
SAMMY: Anong gusto mo? May sing and dance number tayo dito sa airport?
ANNA: (bahagyang natawa…) Loko. Sira talaga ang ulo mo.
(sabay silang tumayo mula sa kanilang kinauupuan…)
ANNA: So ano na?
SAMMY: Nalulungkot ka ba?
ANNA: Ano ba namang klaseng tanong yan?
SAMMY: Sige. Ibahin ko ang tanong. Natatae ka ba?
ANNA: (natawa…) Sira! Lalo namang nakakainis ang tanong na yan.
SAMMY: Hindi mo naman kasi kailangang malungkot. Pwede ka namang maging masaya. Nasa sa iyo na nga lang kung gusto mo talagang maging masaya.
ANNA: (medyo naluluha na…) Gusto ko namang maging masaya… Kaya lang… Kaya lang… (naiyak na parang bata… kinukusot ang kanyang mga mata gamit ang dalawang kamay…) Kaya lang kasi…
SAMMY: Don’t worry. Di ba sabi ko sa iyo, if you want, if you really want, I can always be your friend. If being my friend is what you really want, then, I can be the friend you’ll always have. So huwag ka nang umiyak…
(sabay punas ng luha sa pisngi ni Anna… inabot niya ang puting rosas na itinago niya kay Anna…)SAMMY: Do you wanna know why this rose is white? Because it is a sign of a new beginning and a sign of remembrance. It shows that while we start anew, we start fresh, at the same time, it says that “I’m thinking of you.”
ANNA: Sana totoo lahat yan… (habang umiiyak…)
SAMMY: Kung hindi totoo ito, eh di sana sinabi ko, “Joke lang!”
ANNA : (natawa ng bahagya…) Huwag ka ngang makulit.
SAMMY: So gusto mo bang sumaya?
ANNA: Oo.
SAMMY: Then take this rose. It is pure. It is clear. It is me.
ANNA: Wala ka na bang ibang gustong sabihin?
SAMMY: Wala na siguro. Wala na akong maalala. Kung may maalala man ako baka hindi na ito mahalaga.
ANNA: Hindi na mahalaga? Sigurado ka?
SAMMY: Oo. Baka kasi kinopya ko lang yun sa isang Hallmark Greeting Card o kaya quote na nabasa ko sa internet. Kaya di na mahalaga yun. Baka maging scene pa tayo sa isang movie nina Shawie at Binoy eh.
ANNA: (natatawa…) Sira ka talaga kahit kailan.
VOICE OVER: Final call for passengers of Flight 421. Please board the plane.
ANNA: Aalis na ako.
SAMMY: Oo nga. Hindi naman kita mapipigilan.
ANNA: Gusto mo ba akong pigilan?
SAMMY: Gusto mo bang umalis?
ANNA: Gusto mo ba akong sumaya?
SAMMY: Tinatanong pa ba yan?
(isang mahabang katahimikan…)
ANNA: Sige na. Aalis na ako.
SAMMY: Sige. Ikumusta mo na lang ako sa mga taga-Panama.
ANNA: Napunta ka na doon?
SAMMY: Hindi pa. Malay mo lang may fans ako doon.
ANNA: (natawa nang bahagya… pero nalilingid na ang mga luha sa mata…) Sige na. Aalis na ako. Payakap muna.
Habang nakayakap ako kay Anna, bumulong ako sa kanya…
SAMMY: I will always be your friend. Your best friend. Your closest friend. Always.
Natanaw ko pa si Anna na sumakay ng eroplano. Umalis na rin ako noong lumipad na sa ere ang eroplano. Ewan ko ba. Mabigat ang loob ko. Siguro pagkatapos ng ilang taon, magkikita pa ulit kami. Ang hindi ko lang alam, kung posible na bang maging kami. O may mga sarili na kaming mga buhay noon. Maraming pwedeng mangyari. Ang sigurado ko lang, Anna will always be a part of my life. And I will treasure every moment that I spent with her. Napaisip nga ako, even for a second, I would rather spend it with Anna than not to have spent anytime with her at all. That would already fulfill me. That single second I spent with her, that last second I talked to her, that last second I hugged her, that last second I saw her, is like a moment of eternity of fulfillment spent with her. And this is one of the treasures I will always hold on to. Even until the end.
BINABASA MO ANG
BYAHE NG BUHAY
RomanceMatagal na umasa si Sammy kay Anna. Pero ni minsan, hindi ito naglakas ng loob na umamin sa dalaga. Saan kaya ang byahe ng buhay ng dalawa?