"Yelle anak, handa na ba ang mga gamit mo? Aalis na tayo"
Yan agad ang tanong ni mommy sakin. Paalis kasi kami ngayon. May night swimming ang family namin kasama sina Tita Jelli kasi kakauwi niya lang galing Dubai. Family bonding na din.
"Opo mommy. Susunod na po ako"
Pagkasakay ko sa sasakyan ay agad na ngumiti si tita Jelli sa akin.
"Ang lalaki niyo na ha. Kayong dalawa ni Lia, kumusta na?" Tanong sa akin ni tita Jelli.
"Okay naman po kami tita. Si ate Anne po nasaan?"
"Nauna na sila. Doon nalang daw tayo hihintayin" tugon naman ni Lola.
Habang nasa byahe ay iniisip kona agad ang dadatnan namin doon. Paniguradong mag eenjoy kami kasi ngayon nalang namin kami ulit magkakasama sama. Pagkarating sa resort ay agad kaming sinalubong ni ate Anne. Pumunta na kami sa cottage. Akala ko private resort ang nakuha nila pero hindi pala. Public ang kinuha nila since kakaunti din naman daw ang tao. Wala namang kaso sa amin dahil ang mahalaga ay mag eenjoy kami.
Pagkakain ay agad kaming nagshower ni Lia at pumunta sa pool. Hindi malamig ang tubig kaya masarap sa pakiramdam.
"Ate Yelle, tara doon sa malalim" aya niya agad sa akin.
"Ikaw nalang muna. Susunod ako. Wala lang magbabantay kay Rhia eh. Baka mamaya malunod ito. Hintayin kolang dumating si Ate Anne tapos susunod ako".
Pagkasabi ko niyon ay tumango siya at lumangoy na papalayo sa akin. Binabantayan ko muna si Rhia. Habang naglalangoy siya ay nagulat ako ng biglang may magsalita sa likuran ko. Hindi ko naman naintindihan ang sinasabi niya dahil ang lakas ng tugtog ng videoke malapit sa amin.
"Ha?" sabi ko sa lalaking kumausap sa akin. Napakunot ang noo ko ng ngumiti siya sa akin. Umalis nalang ako doon at lumapit kay Rhia. Nang matanaw ko si ate Anne ay hinintay ko siyang lumapit sa amin.
"Oh sige na Yelle. Ako ng bahala kay Rhia. Sumunod kana kay Lia." ngumiti ako kay ate bago magpasalamat.
Nang makalapit ako kay Lia ay winisikan niya ako ng tubig sa mukha. Ginawa ko din iyon sa kaniya at tawanan kami ng tawanan. Napatigil lang kami ng may biglang lumapit na babae at tinanong ang pangalan namin.
"Hi. Ano name niyo?" tanong niya sa amin.
"Yelle" pagpapakilala ko sa kanya.
"Lia" tugon ni Lia sa kanya.
Tinanong pa niya kung ano name ko sa fb Natawa ako sa kaniya pero sinabi ko din naman kasi mukha naman siyang mabait.
"Yesha Isabelle Alcantara" tugon ko sa kaniya. Tinanong niya din si Lia at sinagot niya din naman.
Bandang mag aalauna na ng umahon kami ni Lia. Pagkakain ay dumiretso agad kami sa cr at nagbanlaw. Nagulat ako dahil paglabas ko ng cr ay nag aabang si Ate Diane. Siya yung babae na nakausap namin kanina. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko din siya pabalik.
Nang makarating kami sa cottage ay nagliligpit na sila para pumunta sa room. Magpapahinga na daw sila. Sumama kami ni Lia at tinulungan sila. Nang makapasok sa kwarto ay nilapag lang namin ang gamit at nagpaalam na maglilibot muna kami. Pumayag naman sila.
Nang makalabas kami ay nagsimula na kaming maglibot. Napatigil lang kami ng biglang may makasalubong kami. Kilala ko siya. Siya yung lalaki na kumausap sa akin kanina. Nagulat pa ako ng bigla niya akong lapitan. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya.
"Happy Birthday" sabi niya sa akin. Ano daw? Hindi ko naman birthday ah. May sayad yata ang utak ng lalaking ito. Lihim na natawa si Lia. Tumigil din naman siya ng samaan ko siya ng tingin.
"Aalis muna pala ako. Tatawagan kolang si JM. Byeeee" hindi kona siya napigilan pa dahil ang bilis niyang tumakbo. Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko.
"Hindi ko birthday ngayon." sabi ko sa kaniya pagkatapos ay nilampasan ko siya. Nagulat pa ako ng sumunod pa talaga siya.
"Bakit ka ba sumusunod?" tanong ko sa kaniya.
"Good mornight Yelle". sabi niya. Napakunot ang noo ko at nagulat sa sinabi niya. Tinawag niya ako sa nickname ko? Paano niya naman nalaman ang name ko? Itatanong kona dapat sa kaniya ng biglang may tumawag sa kaniya.
"Christian. Sino ba yang kasama---" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nagulat siya. Siya si Ate Diane, yung nakausap ko kanina. Magkakilala pala sila?
"Yelle ikaw pala. Kasama mo pala si Christian. Pinsan ko siya. I asked your name kanina kasi pinapatanong niya" sabi niya sabay tawa.
What? So magpinsan sila? At itong Christian na ito ang nagpatanong? Wow lang ha. Wow.
"Ate Diane manahimik kana nga. Anyway Yelle sorry. Madaldal lang talaga. See you" sabi ni Christian bago umalis.
See you? As if naman magkikita kami ulit. Tumalikod na ako sa kaniya ngunit napalingon ako ng tawagin niya akong muli. Nagulat pa ako sa salitang binitawan niya.
"We will meet again. I promise" sabi niya at nginitian niya ako bago siya sumunod kay Ate Diane niya.
YOU ARE READING
Reminiscing the Good Old Days
Teen FictionYesha Isabelle Alcantara unexpectedly met Christian Drei Reyes on unexpected place and time. Due to their unexpected meet up, they didn't expect that they will know each other more and fall for each other. But not all love story destined to have a h...