PROLOGUE

11 0 0
                                    

"Yelle tama na. Huwag kanang umiyak. Kalimutan mo na lahat".

Iyan ang salitang binatawan ni ate Anne habang nakikinig siya sa bawat hikbi at iyak ko. Paano ko ba magagawang kalimutan lahat ng saglit lang? Sana nga ganun kadali. Kung pwede lang magising na wala na ang sakit, mas okay kaya lang hindi. Walang ganun. Walang mabilisang paraan para mabilis din makalimot.

Agad akong nagpunas ng luha at dali daling tumayo. Alam kona kung saan ako pupunta. Alam kona ang gagawin para matapos na lahat.

"Oh saan ka pupunta? Gabi na Yelle. Dumito kana muna" sabi ni ate Anne sa akin. Lumingon ako sa kaniya sandali at pinilit na ngumiti.

"Aalis na ako ate. Salamat. Mag iingat naman ako. Kailangan kolang magpunta sa lugar na iyon".

Hindi kona narinig pa ang sinasabi niya dahil agad akong tumakbo palayo. Sumakay ako ng tricycle at sinabi ko kung saan ako patungo. Habang papalapit ng papalapit ay siya namang pagbabadya ng luha ko. Ayoko ng umiyak. Pagod na pagod na ako. Natigil lamang ako sa pag iisip ng mamalayan ko na nakarating na pala ako.

Iniabot ko ang bayad ko sa driver at nagsimula na akong maglakad. Kahit madilim na ay kita ko parin ang dagat dahil sa mga liwanag na nagmumula sa buwan at sa mga street lights. Kalmado ang dagat. Malakas ang simoy ng hangin at ito ay yumayakap sa akinh balat na tila ba dinadamayan ako.

Nang makarating ako ay napangiti ako. Agad akong umupo sa may hagdanan na kahoy. Tinanaw ko ang dalampasigan kung saan kami madalas magkita. Dito kami napunta dahil maganda ang tanawin. Upang pigilan ang sarili na umiyak ay naisipan kong awitin ang kantang ako mismo ang sumulat.

Hirap namang makalimutan
Ng ating pinagsamahan
Kahit na panandalian
Ang sayang naranasan

Noon oras ay sinusulit
Makita lang kahit saglit
Kaba'y inaalis ng pilit
Kapag ika'y lumalapit

Ngunit biglang naglaho
Pinanghawakang pangako
Di malaman ang sagot sa bakit

Bakit ba nagkaganito
Isip ko'y litong lito
Di tanggap ang paglayo
Di pabor sa pagbabago
Panandalian lang ba tayo.

Matapos kong kantahin iyon ay sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko akalain na sa isang iglap, naglaho lahat pati ang kami. Napalingon ako sa likuran ko ng maramdaman ko ang presensya niya. At doon ay nakita ko siya. Nakatingin sa akin at nagbabadyang pumatak ang luha.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"Tama nga ang kutob ko na nandito ka dahil pinuntahan kita sa inyo pero wala ka daw doon sabi ni Lia."

Si Lia ay ang pinsan ko. Pinsan ko din si Ate Anne pero may asawa na siya. Si Lia ay kaedad ko at mas malapit kami isa't isa. Siguro dahil mas nagkakaunawaan kami.
Patuloy padin ako sa pagpupunas ng luha ko ngunit tila hindi sila nauubos. Nagulat pa ako ng umupo si Christian sa tabi ko. Hinarap niya ang mukha ko sa kanya at pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyong dala dala niya.

"Nandito ako para pakawalan ka. Nandito ako para tapusin lahat ng sakit na ibinigay ko sayo".

Mas lalong akong naiyak dahil sa sinabi niya. Bigla niya akong niyakap at narinig ko ang mga hikbi niya. Umiiyak din siya gaya ko.

"Mahal kita kaya pakakawalan kita kasi ayoko ng saktan ka" sabi pa niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ito ang nais ko kanina, ang matapos na lahat ng sakit. Ngunit bakit parang ayoko? Bakit pakiramdam ko, tuluyan na siyang ilalayo sa akin. Kapalit ba talaga ng pagpapalaya ang pagiging maayos ng lahat?

Kung ganoon, kahit ayokong pakawalan siya, gagawin ko. Kung iyon ang nararapat, ibibigay ko iyon sa sarili namin.


Reminiscing the Good Old Days Where stories live. Discover now