EPILOGUE

8 0 0
                                    

"Miss Yesha Isabelle, is it true na based on a true to life experience ang reason kung bakit mo naisulat ang mga sikat mong kanta ngayon entitled Panandalian at Hanggang Dito Nalang Ba? " yan ang tanong sa akin ng host na si Ellisha. Nandito ako ngayon sa kaniyang TV show which is yung Reality TV.

"Yes mam. Sinulat ko yung kantang iyon dahil broken ako that time" sabay tawa ko pagkasabi noon.

"Maaari ka bang magbigay ng kaunting background about doon?"

Tumango naman ako bago nagsalita.

" I fell in love 3 years ago. Unexpected yung meet up namin kasi sa resort kami unang nagkita. Nagkakausap kami through chats then bigla kaming nagkita ulit ng hindi inaasahan nung minsang nabili ako ng supplies para sa art class ko. Then mula noon, mas napalapit kami sa isa't isa and then naging kami. Okay naman lahat not until nagkaproblema kami nung anniversary namin. Hinayaan ko siyang mag explain after two weeks but then, masyado na kaming nasasaktan noon kaya mas pinili kong bumitaw and pumayag siya. But then he promised na once na magkita kami ulit, babalikan niya ako at hindi na pakakawalan ulit"

"Wow. That was a proof that he really loves you. Anyway since nakanta mona noon dito sa show ang Panandalian, can you sing the song Hanggang Dito Nalang Ba?" tanong sa akin ni Ellisha.

"Yes of course." agad iniabot sa akin ng staff and gitara at nagsimula na akong kantahin iyon.

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng landas
Ikaw ay nakita
At nakilala

Lumipas pa ang mga araw
At ikaw ay nagtapat
Puso'y naging isa
Labis labis ang saya
Ngunit di ko inasahan
Lahat ay panandalian

Sadyang mapaglaro
Mundo'y huminto
Ikaw sa akin ay nilayo

Tayo'y muling pinagtagpo
At muling pinaglayo
Hanggang kailan aasa
Babalik pa ba
Hanggang dito nalang ba.

Nang matapos akong kumanta ay nagpasalamat sila. Inabutan naman ako ng bulaklak and then nag good bye na kami. Nang matapos ang show ay agad akong lumabas. Pinadala kona kay Kuya Mike ang bulaklak dahil mauuna na siyang umuwi sa akin. May mga nakakasalubong ako na nagpapapicture at pumayag naman ako.

Sa totoo lang ay hindi ko inexpect na sisikat ang kantang isinulat ko right after ko siyang iupload sa youtube. Nakakatuwa na ang isang high school teacher na gaya ko ay nakilala dahil sa talentong mayroon ako.

Napagdesisyunan kong dumaan sa bookstore upang bilhin yung libro na nais ko. Madaming nakakilala sa akin kaya ngumingiti sila sa akin at nginingitian ko din naman sila pabalik. Nang makapag bayad sa cashier ay lumabas na ako pero dahil inilalagay ko sa bag ko ang binili ko ay hindi ko napansin ang nakasalubong ko kaya naman nagkabungguan kami. Napaurong ako dahil sa lakas ng impact na iyon.

"Omg sorry-- " hindi kona natuloy ang sasabihin ko dahil natulala ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit after 3 years.

"Yelle. Kumusta?" tanong niya sa akin. Napatulala ako. Hindi padin makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon. Tumawa siya at pagkatapos niyon ay bigla niya akong niyakap.

"Namiss kita" sabi pa niya.

Agad ko siyang itinulak dahil nakakahiya. Pinagtitinginan kami.

"S-sorry. Madami kasing nakatingin" pagkasabi ko niyon ay ngumiti lang siya at nag offer na ihahatid niya ako.

Habang nasa loob ng kotse niya ay nagkausap kami. Pinipigilan ko ang sarili ko na magtanong pero hindi ko talaga mapigilan. Curious talaga ako.

"May girl friend kana ba?" tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin saglit bago binalik ang tingin sa daan. Tumikhim pa siya at pinipigilan ang ngiti.

"Wala. I'm single." casual na sabi niya.

"Bakit ka single?" tanong ko sa kaniya pero this time, tumawa na siya bago nagsalita muli.

"Nangako ako noon na babalikan kita diba. Ngayon buo na ako. Handa na akong mahalin ka ulit. Sana ikaw din"

Agad nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. So hanggang ngayon ako padin? Hindi na ako umimik pa. Nang makarating kami sa bahay ay pinatuloy ko muna siya. Nagulat pa sina daddy nang makita siya pero agad din naman nila itong inasikaso.

Kumain muna kami ng lunch. Nang makakakain ay nagpasiya naman sila na iwan kami para daw makapag usap.

"Yelle, hindi kita pinepressure. Gusto kolang talagang malaman mo na hanggang ngayon ikaw padin. Ikaw lang. Hindi nagbago iyon".

"I know. Pati sinabi ko din sa sarili ko noong gabing huli tayong nagkita na kapag nagkita ulit tayo at kapag pwede pa, babalik din ako sayo". Gulat siyang napatitig sa akin. Pero nginitian ko siya bago muling nagsalita.

"Hanggang ngayon, ikaw padin".

It's been 3 years mula nang maging kami ulit. Nagkaayos na sila ni Paul at nagsorry nadin naman sa akin si Paul. Natutunan namin ni Christian na magpatawad dahil iyon ang susi para muli kaming maging masaya. Ngayon ay nandito kami sa Tagaytay. Dream place namin ito kaya nagpasiya kami na dito magcelebrate ng 3rd anniversary namin.

Last destination namin ang Sky Ranch. Sumakay kami sa Ferris Wheel. Tanaw na tanaw ang magandang view ng Taal Volcano mula dito. Niyakap ko siya dahil sa sobrang saya.

"Happy 3rd Anniversary Slide" pagkasabi ko noon ay niyakap ko siya. Niyakap niya din ako bago binati.

"Happy 3rd Anniversary Slide. I have a gift for you" agad niyang kinuha ang maliit na box sa bulsa niya and ng marealize ko kung ano iyon ay naiiyak na agad ako.

"Madami na tayong pinagdaanan. Minsan na tayong naghiwalay at ngayon, hindi ko hahayaan na mawala ka pa sa akin. I love you. So please, marry me".

Tumawa ako bago ako umakto  na parang pinag iisipan ko kung tatanggapin ko ba ang alok niya. Bigla siyang kinabahan kaya tumawa ulit ako. Nagsalita na ako dahil baka makaiyak pa siya.

"I love you too so yes, I will marry you" pagkasabi ko noon ay sinuot niya sa akin ang singsing pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan.

Sinong mag aakala na ang isang Teacher na may talento sa pagsulat ng kanta at ang isang Corporate Planning Analyst na minsang pinaghiwalay ng tadhana ay ngayon ay masaya na at mahal na mahal ang isa't isa.

Reminiscing the good old days of us is really worth it. Masasabi kong yung good old days na iyon ang dahilan kung bakit kami mas naging matatag. Nauwi man noon sa pamamaalam ang lahat ay masasabi kong mas nakabuti iyon sa amin dahil mas nakaya na naming panghawakan ang isa't isa ngayon.

Naging saksi man ng pamamaalam ang lugar na mas marami ang sweet memories na binuo naming dalawa, hindi nangangahulugan na nagwakas din ang pagmamahal namin sa isa't isa. Dahil ang pamamaalam na iyon ay ang pagpapaalam sa masakit at mapait na nakaraan upang magbukas ang panibagong yugto ng aming pag iibigan.

Piliin mong maghintay sa tamang pagkakataon at ipaubaya ang lahat sa Diyos dahil walang imposible pagdating sa kaniya.

Christian Drei Reyes is my sweet memories. He is the man of my dreams and he will always be. I love him so much. He has my heart. It is always belongs to him.

-THE END.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reminiscing the Good Old Days Where stories live. Discover now