Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa akin. Inalala ko lahat kung paano kami nagsimula habang yakap niya ako. Walang nagsasalita sa amin. Tila takot na wakasan ang lahat. Ngunit binasag ko din iyon. Ayokong dumating sa punto na may pagsisisihan ako.
"Bibigyan kita ng pagkakataon na iexplain ang side mo. Bakit mo nagawa yun?" tanong ko sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ng tuluyan ang tanong ko.
"It was Eric's birthday. Halos lahat ay lasing na that time maliban sa amin ni Carlo. Alam mo namang hindi ako nainom ng alak diba? Kaya in exchange is a dare. A dare to kiss Eimee. Si Eimee yung nakita mo. Matagal na niya akong gusto pero wala akong pakialam sa kaniya dahil ikaw lang ang mahal ko Yelle. Hindi ako pumayag sa dare na yun kasi napakawalanghiya ko naman kung papayag ako tapos kikitain kita dahil anniversary natin". I was about to leave but then Eimee grab my arm and then she kissed me. And I guess, yun yung time na nakita mo kami."
Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko habang pinapakinggan siya.
"Nag away kami ni Paul pagkauwi ko sa bahay. Tinawagan ako ni Carlo, best friend ko. Nakainom siya pero hindi siya lasing. At sinabi niya na si Paul ay may idea ng dare na yun. Na kinuntyaba niya lang sina Eric at pinilit nila si Eimee na gawin yun."
Napatingin ako sa kaniya. Gulat at hindi makapaniwala. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago magtanong.
"Bakit gagawin yun ni Paul?" tanong ko sa kaniya.
"Alam mo naman na may misunderstanding kami that time. Nagagalit siya sa akin kasi ako lagi ang pinapaburan nina Daddy. At mas nagalit pa siya ng sinira ko ang date nila ng girl friend niya. Nalaman ko kasi na niloloko lang siya ni Devenlee kaya ayun sa akin siya nagalit."
I was about to speak pero tinuloy niya ang pagpapaliwanag.
"Nung pinagsarhan mo ako ng pinto, hindi agad ako umalis noon. Hinintay kita pero si mommy mo ang kumausap sakin. Sinabi niya na hindi siya makikielam sa problema natin. Bigyan daw muna kita ng oras para makapag isip kaya hindi na kita kinulit that time. Nung time na pauwi na ako, tumawag naman si Carlo at sinabi niya lahat. Kaya pagkauwi ay agad kong kinompronta si Paul. Galit na galit ako sa kaniya. Inawat lang kami ni Daddy. Mas pinili ko nalang pumasok sa kwarto ko para hindi kami lalong magkasakitan dahil kahit papaano, magkapatid kami. Pero nagulat ako kasi may inihanda ka pala para sa akin. Nakita ko yung ginawa mong effort kaya mas napaiyak ako. At dun ko narealize na mahal na mahal talaga kita kaya hindi ko hahayaang hindi tayo magkaayos. Pero kahit yata magpaliwanag ako, nararamdaman ko na hindi parin babalik sa dati ang lahat" nang matapos niyang sabihin yun ay mas lumungkot siya at muling pumatak ang luha niya.
"Sorry Yelle. Sorry kung nasaktan kita. Kung maibabalik ko lang lahat, hindi nalang sana ako nagpunta doon." pagkasabi niya noon ay yumakap ulit siya sa akin at patuloy na nagsosorry. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinawakan ko ang mukha niya.
"Hindi mona kailangan mag sorry sakin. Nauunawaan ko. Hindi mo kasalanan. Hindi natin ginusto na mangyari yun. Siguro dapat lang na hayaan muna natin ang mga sarili natin. Itigil muna natin ito.
"Iyan ba talaga ang gusto mo?" nasasaktang tanong niya sa akin.
"Hindi ko gusto pero kailangan. Paano natin magagawang panghawakan ang isa't isa kung tayo mismo, nahihirapan na? Kaya itigil na natin." umiiyak man ay nagawa ko paring sabihin iyon.
"Kung yan ang gusto mo, hahayaan kita. Sorry Yelle" pagkasabi niya niyon ay tumango na ako senyales na aalis na ako. Nakakailang hakbang palang ako ay tumigil ako at muling lumingon sa kaniya.
"Saksi ang lugar na ito sa matatamis nating alaala. At ngayon, ang lugar ding ito ang saksi ng pagpapaalam." pagkasabi ko niyon ay tumalikod na ako pero bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
"Pinapalaya na kita. Hahayaan ko munang maghilom lahat ng sakit, at kapag nagkita ulit tayo, kapag pwede pa, babalikan kita. Babalikan kita kapag buo na ulit tayo pareho. At kapag nangyari yun, hindi na kita pakakawalan pa" pagkasabi niya niyon ay bumitaw na siya sa pagkakayakap at hinalikan niya ako sa noo.
Tumalikod na ako naglakad palayo. Nang malayo na ako sa kaniya ay muli ko siyang nilingon at doon ay nakita kong nakaupo siya at umiiyak. Kahit na malayo, kahit na alam kong hindi niya maririnig ang sasabihin ko ay mas pinili ko paring sabihin ang nais ko.
"Natapos na lahat. Namaalam na tayo sa isa't isa. Ipapaubaya kona lahat sa Diyos. At kung dumating man ang panahon na muli tayong magkikita, asahan mong babalik din ako sayo at hindi na kita bibitawan. Hindi na ako magiging mahina tulad ng ginagawa ko ngayon".
Pinunasan ko ang luha ko bago muling ibinulong sa hangin ang nais ko.
"Sa susunod na pagkakataon, kasama mo na akong lalaban."
YOU ARE READING
Reminiscing the Good Old Days
Teen FictionYesha Isabelle Alcantara unexpectedly met Christian Drei Reyes on unexpected place and time. Due to their unexpected meet up, they didn't expect that they will know each other more and fall for each other. But not all love story destined to have a h...