Isang taon na ang lumipas mula nang sagutin ko si Christian. 4 months pa siyang nanligaw bago naging kami. At ngayon, anniversary na namin. Napangiti ako dahil doon. Naalala ko tuloy kung paano ulit naging kami.
March 27 noon. Tinawagan ako ni Christian para sabihing susunduin niya ako ng 6pm. May surprise daw siya. Kaya naman nagpaalam ako kina mommy. Pumayag naman sila. Nagtataka pa nga ako kung bakit abala lahat ang buong pamilya ko. May lakad daw sila. Pupunta daw sa party. Gusto kong sumama pero wag na daw. Diba ang damot nila? Ayaw akong isama. Hinayaan ko nalang sila. Nang matapos akong maligo at magbihis ay nagtaka ako dahil wala na sila. Nakaalis na agad sila at iniwan ako. Palabas na ako ng saktong tumawag si Christian. Nasa labas na daw siya.
Pagkalabas ko ay nakita kong nakaporma pa siya. Tinawanan ko siya kaya nagtaka siya.
"Bakit ba ang hilig mong tawanan ako?" tanong niya sa akin.
"Paano kasi parang napasobra yata ang porma mo ngayon. Pero maganda naman. Bagay sayo. Tara picture tayo" aya ko sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko at nagpicture kami. After noon ay pumunta na kami sa dating tagpuan namin. Pagdating doon ay agad niya akong piniringan.
"Hoy ano ba. Para saan to?" tanong ko sa kaniya.
"I have a surprise for you" sabi niya naman sakin.
"Baka kidnapped to ha? Sinasabi ko sayo tatadyakan talaga kita!" pagkasabi ko niyon ay tinawanan pa niya ako.
Matapos ang ilang hakbang ay tumigil na kami sa paglalakad.
"Nandito na tayo. Ready? Tatanggalin kona ang piring mo ha?". Tumango naman ako sa kaniya. Pagkatanggal niya sa piring ko ay agad kong iminulat ang mata ko. Nang tingnan ko ang paligid ay napansin kong maliwanag ang paligid. At ngayon ay nakatuntong kami pareho sa pa heart shape na gawa sa petals ng red roses. I was about to ask him kung anong mayroon pero agad siyang naglakad sa gilid at kinuha ang gitara bago siya naglakad sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin bago siya nagsimulang tumugtog. Pamilyar sakin ang kanta kaya mabilis kong nalaman ang pamagat nito. Ang ganda ng boses niya kaya napapangiti ako.
Uulit ulitin ko sayo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sayo
Kahit kailanma'y
Di magbabagoBiglang naglabasan sina mommy at daddy pati sina Tita at Tito. Iniabot nila sa akin ang roses na hawak nila. Halos maiyak pa ako dahil iisa lang ang sinabi nila sa akin.
"Masaya kami para sa iyo"
Ikaw ang laging hanap hanap
Sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina
Ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag ibig
Wala na ngang iba
Sa aking puso'y tunay kang nag iisa.Nang matapos nilang iabot sa akin ang mga bulaklak ay unti unti naman nilang itinaas ang mga cards na hawak nila.
YOU ARE READING
Reminiscing the Good Old Days
Teen FictionYesha Isabelle Alcantara unexpectedly met Christian Drei Reyes on unexpected place and time. Due to their unexpected meet up, they didn't expect that they will know each other more and fall for each other. But not all love story destined to have a h...