This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
______________________________________________________________________________
Clues are everywhere.. be keen to some details.Complimentary Blackmail
Hindi ako makatingin kay Byron! My mouth slipped. Masyado akong nadala sa pag-uusap namin at isa pa itong si Mia na binanggit ang pangalan ko mismo sa harap ni Byron. I am lost for words, can't utter.
"Summer, sarado na ang pool anong nangyayari dito?!" Pabalik-balik ang tingin ni Mia sa amin."Wait teka! Anong ginagawa nyong dalawa dito?"
"Mia...I." Imbes na masagot ang tanong niya, hindi ko mabigkas ang sasabihin. Ayaw kong magalit sa akin si Byron and I dunno why.
"You're Summer Powell? Kaya ayaw mo bang sabihin ang pangalan mo sa akin." He sounded disappointed at iniwas nya ang tingin sa akin. Nakita ko ang nagdaang sakit sa kanyang mga mata. Shit!
"Whatever is going on you, you need to get out now! Maaring maabutan kayo dito ng cleaning team. Baka mahuli kayo."
Hindi na ako muling nilingon ni Byron at agad na syang umahon. Inabutan ako ni Mia ng towel at binalot ko ito sa aking katawan. Binigyan ako ni Mia ng mapanuring titig, at alam kong gusto nya akong tanongin kung anong meron sa amin ni Byron. We're just friends, right?
"I'll go back to my room now, sorry." Tumango ako at tinignan sya ngunit nakayuko lang sya at parang napapaso na tignan ako.
Pagbalik ko sa suite agad akong naligo at nagpalit ng pajama dahil nilalamig na rin ako. Naramdaman kong tumunog ang cellphone ko kaya chineck ko agad ito. Unknown number?
I know it was you.
What is this about? Anong ibig sabihin ng nasa text? It could be anything right? Maybe the sender made a mistake. Ngunit hindi ko mapigilang hindi ito replyan.
Who is this.
Maybe is this some prank on me.
Agad na nagreply ito kaya lumukob ang kaba sa dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko habang inoopen ang mensahe ng sender.
Hindi na importante kung sino ako. What I know does. I found your bracelet on the crime scene..
Nagsend pa ito ng picture.No! My knees started to tremble. This is my bracelet. Bigay ito ni mommy sa akin bago sya namatay. How? Paano nya nakuha yung bracelet ko. Pinilit kong alalahanin ang nangyari nung gabing iyon! The day when Tiana was murdered.
Doon nalang pumasok sa isip ko ang nangyari sa party. I wore my favorite bracelet. Kinuha ko agad ang cellphone at tinignan ang mga shots na kuha namin sa picture. I was with Lee and Mia at doon suot ko pa ang bracelet. And then after the party, noong hinatid ako ni Larry wala na doon ang bracelet ko at hindi ko agad iyon napansin. Yes. Naiwala ko iyon nung huli kong makausap si Tiana, sa rooftop bago sya pinatay din doon. Shit ngayon ko lang naalala ang lahat, is this because I am drunk!
"Come on, why wont you pick up." Naabutan ko si Tiana nang gabing iyon na tila naiinis at hawak nito ang kanyang cellphone at mukhang may tinatawagan.
"Tiana I knew I would find you here."
Lumingon sya sa akin at binigyan ako ng matatalim na tingin na parang gusto nya akong mawala.
"Don't get any closer! Tatawag ako ng pulis!" Banta nya sa akin. Ngunit hindi ko sya pinakinggan at sinubukan kong lumapit sa kanya kahit nahihilo na ako.
YOU ARE READING
Summer Fever(Mystery#2)
Mystery / ThrillerSummer Anastasia Powell - a twenty three year old girl na maagang iniwan ng kanyang ina noong bata pa sya. Kaya ang ama nalang ang nag-alaga sa kanya simula paglaki nito. Ito ay mayaman na businessman sa Pilipinas isa na dito ang Powell Tower- isang...