LXXIV

6.6K 227 44
                                    

Tito Xavier

October 10, 10:10 p.m.

Tito?

Itatanong ko sana kung kailan ka ga-graduate.

May tatlong semester pa po siguro
Naiwan ko po kasi yung ibang pre-engineering courses ko

Ah, okay lang.
Medyo malapit na rin naman.

Opo
Bakit niyo po pala natanong?

Kailangan ko kasi ng tatlong CE
Naisip ko na i-offer na lang sayo yung bukas na posisyon

Hala
Baka po kailangan niyo agad?
Okay lang po ba yun?
Kasi halos isa't kalahating taon pa po ako

Oo ayos lang naman
Pinag-aaralan pa naman ngayon ng kuya mo, siya muna naghahandle, kaya niya naman daw. Pero nasabi niya na kapag graduate ka na, baka raw gusto mo rin kuhain yung posisyon

Sige po tito
Ipaalam ko muna kay Mama
Kasi gusto niya rin ata ako sa kumpanya niya

Nasabihan ko na si Clara kanina
Pero sabi niya tatanungin ka rin daw niya kung ano mas gusto mo

Mag-uusap na lang po muna siguro kami ni mama

Sige sige
Pag-usapan niyo muna

Okay po tito
Salamat

Wala yun
Sabihan mo na lang ako kapag napag-isipan mo na

Sige po

[Twitter]

🔒 @itsmadia
Ang tahimik ni chigo :(

🔒 @itsmasdia
But anyway, night swimming! 🤩

Begin Again (Love in Paris # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon