CX

8.1K 245 87
                                        

Chigo Imperial

November 6, 1:21 p.m.

Chigoooo
Partner tayo sa prob set sa hydraulics ha

Okay okay

Ang dami agad pinasasagutan 😭

Before first quiz naman daw ipapasa
May two weeks pa tayo

Ang dami pa rin
6 items pero may a-d per number
Ano ba yon :(

HAHAHAHAHA
Wala namang bago

Hay :<
Kung sabagay

Subukan ko na lang sagutan yung kaya ko

Hindi ba tayo maghahati?

Gusto mo ba?
Pwede rin naman

Hati na lang tayo para fair
Akin na lang 1-3

Okay sige kuhain ko 4-6

Oki
Thank you 🥺

3pm pa klase natin ngayon diba?

Oo
Di pa nga ako bumabangon eh
HAHAHAHA

Nakakatamad kasi kapag hapon na

True
Pero mas nakakatamad kapag 6pm first class
Pauwi na sila tapos ako papasok pa lang

Ikaw din taga sara ng school

True
Pero sa totoo lang
Gusto ko na grumaduate
Para makapagpahinga na ako
Kahit 1 month straight lang

Ang daming higher batch nagsabi niyan
Kaso hindi pa sila graduate pero nag apply agad sa trabaho
Di rin daw sila sanay na nababakante

Hindi ko na rin talaga gets
Kasi tayo pa nga lang nagugulat every sem break na wala tayong ginagawa. Parang dapat may tatapusin ako kahit wala naman. Pagod ako pero kapag nagpapahinga ako, hinahanap din ng katawan ko yung trabaho

Nasanay na lang din ata tayong may ginagawa

Siguro nga
Tapos kapag wala, parang may mali

Oo hahaha

Iniisip ko talaga trabaho ko pagtapos ko rito
Pero ipapasa ko muna boards hay :<

Alam mo ba

Hindi pa 😹

Bws8 ka

HAHAHAHAHA
Ano ba yun?

Sinabi ko kay mama na tatanggapin ko na yung offer sa paris

OMG
Pumayag siya?

Oo
Gawin ko raw kung ano gusto ko

Ang supportive talaga ng parents mo
Pero huhu yay!
Congrats chigo!

Salamat

WALA PA PERO PASALUBONG KO HA
HAHAHAHAHAHA

Aga naman ng pasalubong mo

Syempre! Reserved hahaha 🤣
Excited ako para sayo
Same ba kayo ng tutuluyan ng kuya mo?

Oo ata

I see

Alam mo ba
Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako
Kasi baka mataas expectations sakin ni tito
Kasalanan to ng kuya ko eh

HAHAHAHAHA
Ano ka ba
Kaya mo yun chigo!
Pumapasa ka nga ng walang review eh

Ayun yung pagkakaiba namin ni kuya
Tamad kasi ako
Siya masipag siya lalo na sa trabaho
Kaya medyo kinakabahan ako
Lalo na kapag umiiral katamaran ko

Malay mo naman magbago yun kapag nandun ka na
Masipag ka rin naman sa activities
Hindi mo lang siguro pansin

Siguro
At sana totoo rin yan hahaha

Totoo naman
Don't worry
Ako nga parati mong groupmate and partner diba?
I can vouch for that
Kaya wag ka mag-alala
You'll do just fine

Thank you una

BASTA WAG MO KO KAKALIMUTAN KAPAG NASA PARIS KA NA HA?

HAHAHAHAHA
Oo naman
Pano kita makakalimutan ha? 🤨
Eh halos mag aapat na taon
Ikaw lang nakadikit sakin

ABA CHAEL IGOR
BUT ALSO, SAME
HAHAHAHAHA
OO NGA NO?
Almost 4 years huhu
Wow
Kaya ko palang tumagal ng ganon sa friendship
Nagulat ako

Ha?

Hahahaha

Bakit?

Kasi halos lahat ng friends ko before
Wala na
So... ewan
Okay lang naman
Ang mahalaga nakakakain ako
May bahay ako
May pang aral ako
HAHAHAHAHAHA

Ewan ko sayo HAHAHAHAHA

Basta wag mo ko kakalimutan pag nasa paris ka na oki?

Oo nga

Promise?

Promise

LOCKED YAN HA
SIGE HAHAHA

Begin Again (Love in Paris # 4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon