CLX

7K 490 632
                                    

Chigo Imperial

April 19, 10:41 a.m.

Chigo
Dito na kami ni Nina sa airport
Saan kayo banda?

Nasa coffee shop sila mama na malapit sa cr
Nag check-in lang ako saglit

Oki
Punta na lang kami doon

Sige

~

It was not long enough when Chigo went to the coffee shop where his family and friends are. Nakuha na niya ang boarding pass niya't may kalahating oras na lang bago ang mismong flight.

He figured he could see them for at least ten minutes before he finally boards the plane. Wala naman siyang balak magpaiwan sa eroplano. Gusto niya lang talaga silang makita saglit.

Pagpunta ni Chigo sa coffee shop ay unang hinanap ng mga mata niya ang kanina pang hinihintay.

She was talking to his niece, Cala. Naglalaro sila't pinapapili ni Una kung nasaan sa dalawang kamay niya nakatago ang candy.

"Tapos ka na sa check-in?" tanong ni Clara nang mabungaran si Chigo.

"Oo, Ma. Nakuha ko na rin boarding pass ko," sagot niya.

"Okay. Nag-order ako ng caramel macchiato para sa'yo. Gusto mo ba ng tinapay? Pasta or cake?" sunod-sunod na tanong ni Clara.

Umiling si Chigo saka humila ng upuan papunta sa tabi ni Una. "Hindi ako gutom. Okay na 'tong kape, Ma."

Tahimik siyang nakaupo sa tabi ni Una na abalang nakikipaglaro kay Cala.

Napapangiti siya tuwing naririnig ang mumunting tawa ng paborito niyang pamangkin.

"Tito Chiwo! This is for you!" Binigay ni Cala ang candy na bigay ni Una sa kanya.

Chigo smiled. "Sa'yo 'yan, e."

Umiling naman si Cala at hinawi niya rin ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya.

"No! It's for you, Tito Chiwo!"

"Sige, ha! Baon ko na 'to?" sabi ni Chigo nang tanggapin niya ang candy.

"Yes! Don't share to Wowo Xavier, okay? I hate Wowo Xavier."

"Cala," suway naman ni Price dahil sa sinabi ng anak. "Don't hate Lolo Xavier."

Nang mabaling ang buong pansin ng lahat kay Cala ay pasimpleng inabot ni Chigo ang kamay ni Una.

Saglit silang nagkatinginan dahil doon. They don't usually hold hands. Pero hindi na rin naman nagtanong si Una kung bakit, hinayaan niya na lang si Chigo na hawakan ang kamay niya.

In fact, she likes the warmth of his touch, and she knows this is the last time she'll be able to hold hands with her dearest friend.

Ramdam na ramdam ni Chigo ang bawat patak ng minutong lumilipas. He didn't mind the minutes and hours before, but the time is surely running fast for him at this very instant. Sana puwedeng huminto kahit saglit lang.

Puwede bang extend? Puwede bang five minutes pa?

Kaso alam niyang imposible 'yon at hindi hihinto ang oras para sa kanya.

They left the coffee shop, just in time for him to board the plane.

Isa-isang yumakap sina Clara at Chia kay Chigo para magpaalam. Ang huli ay si Cala na nag-uumpisa na ring umiyak.

Sinubsob niya ang mukha sa balikat ni Chigo at ayaw nang kumawala sa tito niya.

"Let's go na, Cala. Maiiwan ng plane si Chiwo, gusto mo ba 'yon?" mahinahong sabi ni Price habang kinukuha si Cala kay Chigo.

Ang higpit-higpit ng yakap ni Cala kaya medyo nahirapan silang kuhain siya kay Chigo.

She's beginning to throw tantrums. Kaya nagpaalam na sila Chia na mauuna na sa sasakyan.

"Una, Chigo?" tawag ni Nina sa kanilang dalawa. "Sunod na lang din ako sa kanila. Ingat ka, Chigo."

"Thank you, Nina."

Nang mawala sa paningin nila si Nina ay inabot ni Una ang kamay ni Chigo.

She doesn't know why it's beginning to feel heavy. Ang alam niya ay excited siya para kay Chigo pero hindi niya alam kung bakit unti-unti siyang nalulungkot.

"O? 'Wag mo sabihing iiyak ka?" pang-aasar ni Chigo sa kanya. Kahit sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin kay Una.

Saying goodbye was harder than he thought it would be.

Una's brows momentarily furrowed. "Hindi kaya."

Chigo chuckled. "Maniwala ako?"

Una smiled. Binawi niya ang kamay niya para saglit na mayakap si Chigo.

"Ingat ka sa Paris, ha? 'Wag mo akong kalilimutan," bilin niya sa kaibigan. Pero hindi niya maintindihan kung bakit unti-unting umiinit ang gilid ng mga mata niya't hindi niya magawang bumitiw ng yakap.

Hindi niya maintindihan kung bakit may katiting na pakiramdam na sana hindi na lang tumuloy si Chigo.

But she knows that's selfish, and she doesn't want to entertain the idea. Kailangang matuloy ni Chigo sa Paris.

Una wanted to hug him longer, but it was time to let go.

Kaso nang makita niya ang pamumula ng pisngi ni Chigo at ang panunubig ng mga mata nito ay gusto niyang yumakap ulit.

Una swallowed, trying really hard to smile at him. "Sige na, Chigo. Baka maiwan—"

She was stopped mid-sentence by the warmth of his hand against her cheek.

Una shivered.

She was about to utter a word when he sealed her lips with a kiss.

Una's eyes marbled in shock. Napahigit siya ng hininga at hindi rin malaman kung ano ba ang gagawin.

But it didn't take long enough for him to let go.

"Mahal kita," mahinang sabi ni Chigo. Kahit nanlalabo ang paningin niya ay kita niya ang gulat sa mukha ni Una.

His thumb caught the first tear falling down her cheek.

"Mahal kita," pag-ulit niya.

Tila bulong, pero hindi maitatangging rinig na rinig ni Una ang mga huling salitang sinabi ni Chigo sa kanya.

Begin Again (Love in Paris # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon