Chapter 8

1.6K 95 19
                                    

I WILL HAVE YOU
Chapter 8

"RHETT," UNTAG KO sabay hatak sa manggas niya. Tuloy-tuloy lang kasi siyang lumakad kaya nang matigilan siya ay hinatak ko ang  earpods niya. Iyong iba kasi na hamak na mas mabait kaysa rito kay Rhett ay may practice. Ito kasing si Rhett, pang acads nalang ngayon kaya kung wala sa bahay ay nasa library.

Ako naman, maganda lang. Wala, eh. Hindi talaga ibinibigay lahat.

I tugged on his shirt. "Hatid mo 'ko." malayo pa kasi ay nakikita ko na si Leo na nakasandal sa dark grey wrangler niya.

Napataas ang kilay ni Rhett at ngimisi. "Sure. But I need to pick up my sister first and you have to treat me some —"

"Foods. I know!" inirapan ko siya. "Ikaw na' yung pinakamatakaw na taong nakilala ko."

Huminto siya at humarap sa akin. "D'ya still want a ride? If you do, then, stop complaining. I'm always hungry because I use my brain a lot."

Tumango ako at umabrisete nalang sa kaniya habang nagte-text kay Manong na huwag na akong intayin. Siguro ay naipit iyon sa traffic kaya wala pa. Ayoko namang maiwang naghihintay dahil naroon sa parking area si Leo.

Always.

"Hindi ako magkaka-girlfriend nito, eh. Kapit ka ng kapit sakin." kunwa'y reklamo ni Rhett habang naglalakad kami patungo sa sasakyan niya.

"Baka madapa ako habang nagte-text, eh."

"Tsk." reklamo ni Rhett nang makitang palapit sa amin si Leo.

"Puta, Rhett! Palapit! Akbayan mo ko, bilis! Kunwari we're dating! You don't have girlfriend naman. I primise I will introduce you to someone when that jerk back off."

"Paano 'pag sinapak ako?"

"Sapakin mo rin! Tutulungan pa kita!"

"Now you're making sense." ngisi niya as he held my hand.

Wala namang malice between us. Even Arch and the others were alredy used to me, holding their hands. Iyon nga lang, kadalasan ay ginagawa ko lamang iyon kapag may nagpapa-cute sa kanila na hindi naman cute. It's so nakakairita kaya!

And damn! Bakit ba nakalimutan kong karate kid nga pala ang isang 'to before? Paano kung magsuntukan nga sila? I can kick and punch but I won't go in between of the two clashing rocks! I mean, they're so much bigger than me. And stronger for sure.

"But as much as possible, iwas nalang tayo, ha? Ayokong magasgasan ka." I said nalang din kay Rhett because he's so pikon sometimes. Kaya nga trip siya nung magkapatid na Arch and August, eh!

I touched his cheek din as I smiled sweetly but fakely at him.

"Sure, babe! But I thought you're on a diet?" aniya. May papindot pa sa ilong ko na nalalaman.

Malandi!

Hinuli ko iyong daliri niya at kinagat! Nakisakay nalang din ako kasi we're a few hakbang nalang from Leo.

"Anong diet? Dina-diet mo lang yata ako, babe, eh!"

Tumawa si Rhett and held me closer to kiss my head like eew!

"Of course not! I want you fat so I can hug you better. Ang liit mo na, ang payat mo pa."

"May pag atake, babe? Lalaki pa ako. Wait ka lang." I told him kahit na nakakapangilabot na magtawagan kaming "babe".

Matangkad naman ang mga kapatid ko. My brothers are all six footers. Ate B is tall, too with her five feet and eight or nine inches yata? Kaya naniniwala akong tatangkad pa ako.

I Will Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon