CHAPTER 1: ONCE UPON A TIME

10 0 0
                                    

Denise's POV

Nahuli at naiwan ako sa pag-aaral. Labing-anim na taong gulang na ako, kasalukuyang nasa ika-anim na baitang pa lamang ako sa Paaralang Elementarya ng Balele. Hindi na ito bago sa mga kaklase ko dahil ilan kaming kumbaga "overaged" para sa ika-anim na baitang sa elementarya. Madalas, bata pa mga kasama namin, laro ang nasa isip at puro lakwatsa.

Hindi naging mahirap sakin na mapabilang sa kanila dahil mayroon naman akong kaparehong sitwasyon. Mayroon akong kaklase na kapit-bahay na nasa ganoong sitwasyon. Sa totoo nga nyan, mas matanda pa sya sakin. Noong una, nahihiya ako. Animo'y hindi ako bagay sa ganito. Puro bata nakikita ko. Hindi angkop ang edad ko. Ngunit habang pinagmamasdan ko si Michelle, sumagi sa isip ko "Bakit naman siya, hindi nahihiya? Masaya? Animo'y walang iniisip na problema?" Ilan lang yan sa sumasagi sa isip ko.

Hindi ko sya magawang kausapin, bilang transferee, sadya namang nakakahiyang makipag-kilala. Kumpara sa kanya na halos kilala na nya. Noong una, oo. Napakahirap. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko at sasabayan ko bumili sa kantin.

Michelle's POV

Wow! Ang ganda nya kaso mukang mahiyain. Nakakahiya naman lapitan baka di ako yung tipo nya na maging kaibigan. Pero bat lagi ko sya nakikita at nahuhuli na nakatingin sakin? Napaka imposible naman na gusto nya ko, e pareho naman kameng babae. Hindi kaya bisexual sya? Nakuuuu!! Hindi maaari, mabibigo ko si Marko. Lapitan ko kaya? Nakoooo, parang di ko talaga kaya. Bukas nalang kaya? Hays, bahala na nga.

Mayroong transferee, sila yung bagong lipat sa lugar namin e. Di ko naman sukat akalain na magiging kaklase ko sya. Mukha syang hayskul. Maliit lang sya pero dalaga na tingnan.

— Kinabukasan.

Denise's POV

Paano na? May activity kame sa Filipino, by partner. Kausapin ko na kaya? Nakakahiya. Lord, Ano pong gagawin kooooo? Wala po akong partner? (Malakas na pagkakasabi ko.

Michelle: Miss, wag kana magdasal sa Diyos. At ako yung Dyosa na nakarinig. (Patawang sabi nito)

"Hala? Napalakas ba?" Agad kong lapit sa kanya.

"Oo no! Wala din ako partner, iniwan ako ni Jenifer. Partner sila ni Nica" Pataray na sambit nito.

Michelle's POV

Magaan ang loob ko sa kanya, pwede ko naman siguro to maging bestfriend, tutal magkapit bahay naman kami. Mapapadalas ako sa kanila. Naaamoy ko madalas mga ulam na niluluto sa kanya, napaka babango. Mahilig din sila sa kapeng-barako. Excited na ako. Masaya siguro kasama ito. Mukha naman syang mabait kaso mukhang tahimik na tao.

Denise's POV

Nakakahiyaaaa!! Bakit sa dinami-dami ng makakakinig ng dasal ko, bakit sya paaaa? Lord, sana po kainin nako ng lupa. Baka maikwento pa nya sa magulang nya tapos maikwento sa magulang ko, nakuuuu!

Michelle : By the way, kayo diba yung bagong lipat sa tapat?

"Oo, natandaan nga kita. Ikaw yung nagpahingi samin ng sinigang na bangus di'ba?" Pabirong ani ko.

Michelle: Ah, hehe. Masarap kasi, matapang tapos puro.

— Natuloy ang usapan hanggang sa araw araw na sila magkakwentuhan.

Nabanggit ni Michelle na mayroon syang taga hanga sa kabilang seksyon. Nakakausap nya ito at malapit sila sa isa't isa.

Isang araw, bilang kaibigan ni Michelle sa silid- aralan. Nagpasama ito sa CR ng paaralan. Mahina ang tubig sa silid namin kaya nakiki-ihi lang kame sa kabilang seksyon.

Denise's POV

San ba ko dadalhin nito? Tsaka bakit sya may dalang paper bag? Di naman ako naiihi e. Bat paba ko sumama.

LET IT BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon