Guessing is over. Walang thrill. Oo ganon lang
kabilis. Nahulog sya, pero mas nahulog ako.Denise's POV
November 14, 2014
Naging kami. Sa tagal na namin nakakasama ang isa't isa. Parang nasa stage na din kame nun nasa "Dating Stage" Kahit sa tabing dagat lang kami pumunta, kahit sa malawak na araruhan. Basta magkasama kame. I considered it, dating.
We had so much fun, everytime. Kulitan, asaran. Normal na gawain ng dalawang magkasintahan. Oo, bata pa kami. Puppy love. Pero masaya kame pag magkasama. Sobra.
Dumating yung time na pumunta sya sa amin. It was my father's birthday. He bought a cake. Supportive naman sila, pinakilala ko sya. Bahala na kung ano sabihin nila. Ang mahalaga, wala akong tinatago. Masyado akong open sa magulang ko para maglihim.
Mabait si Bryle, walang bisyo. Napaka suplado sa iba. Di naman sa pag mamayabang pero gustuhin sya ng mga babae. Kase sya yung klase ng lalaki na, pag di ka nya kilala, di ka iimikan. Masipag. Ma-respeto sa pamilya. Kaya ganoon na lamang kabilis mahulog ako sa kanya. Pinakilala din nya ako sa kanila. Naging maayos at masama ang lahat.
Kasama ko na sya gumala, kahit hindi kasama si Mak at Mich. Pwede na nya ko puntahan dito sa amin kung gugustuhin nya. Ganon din ako sa kanya. Hindi nagkulang ang mga magulang namin sa paalala. Naging legal kame sa murang edad. Kilala na akong nga kaibigan nya at kaklase. Alam na sa barangay namin dahil pinapanood ko sya tuwing Liga. Andun ako para i-cheer sya. Bigyan ng tubig. Sumuporta. Maghawak ng mga gamit nya.
Mahirap noong una dahil nahihiya ako na ipakilala nya, Grade 8 sya ako Grade 6. Nasa edad pa kami na walang ipagmamalaki. Napaka bata pa para sa relasyon. Edad kung saan dapat nag aaral pang mabuti. Madami pang dapat matutunan. Madami pang dapat pag aralan. Sobrang dami pang dadanasin.
Naiintindihan ko ang sasabihin ng iba, pero magulang nga namin hindi tutol, sila pang walang ambag sa buhay ko? Basta masaya kami at wala kaming ginagawang mali. Wala akong magagawa para pigilan sila manghusga. Pero may magagawa ako para patunayan na mali sila.
Ilang taon din ang lumipas. Isa yata o dalawa.
Dumating sa point na lumalabas na toxicity namin dalawa. Lalo na ako. Nagsabay sabay ang immaturity, toxicity at jealousy ko. Hindi ko alam kung pakiramdam ko lang yun o sadyang yun na talaga napaparamdam nya sakin.Nagbago sya. Sa sobrang komportable at kampante nya, nasanay na sya. Tuwing may tampuhan, mahinahon na usap lang. Okay na ulit ako. Ganon na nalang ng ganon. Kampante na sya na kahit ilang beses ako magtampo, kahit anong gawin nya, magiging okay padin kame.
Di ko nabanggit. Masyado silang close ng mga kaklase nila. They bonds a lot. Overnights, food trips, road trips, swimmings. Grade 9 to Grade 10 na sya nito. Grade 7 to Grade ako nito. As a Grade 10 student. I understand na sinusulit na nila yung taon na magkakasama sila. Makukulit sila sa group chat. Opo, medyo uso na. HAHA
Pareho kaming nag-aaral. Mula 7am hanggang 4pm. Class hours yan. Update lang tuwing break time and lunch. Hindi kasi minsan sabay. Magkaibang school kame ng pinapasukan.
Si Bryle, bilang lalaki. Di sya masyadong hands on sa studies nya. Minsan natutulog sya sa klase. May mga pointers sya na nami-missed sa discussions. And I understand. Noong una, okay pa sakin na, pagkauwi nya sa hapon. Mag chachat sya sakin and sunod na agad yung kaklase nya to ask if may assigment, anong subject. Something like that.
As times goes by, hindi na ako natutuwa. Nagkakataon na, napapailalim na yung chat ko. Sa pagchachat nya sa mga kaklase nya to clarify something. Yes, nabubuksan ko account nya and nakikita ko na he's so busy, replying his classmates. While my message? Still unread.
Nakakatampo. Hindi ko alam kung ako lang ba. Sinabe ko sa kanya na nagseselos ako. Nakakainggit na masaya sya na kausap sila keysa sakin. Nag away kami. Pinaliwanag nya na alangan naman daw iwasan nya, e kaklase nya mga yun? Mga kaibigan.
Hindi yun yung point ko. Ang sakin lang, sa loob ng isang linggo, 5 days suiang magkakasama. Mula umaga hanggang hapon. Tapos pagkauwi sa hapon, sila padin kausap at kachat. Weekends may gala or bonding sila. Kailan ako? Pag may free time? Ilang linggo din tumagal nun. Laging ganon yung away at tampuhan. Lagi nyang sinasabe na natural mga kaibigan nya mga yun.
Pano ako? When was I?
Nagtiis ako, baka sakali magbago.
Pero dumating sa point na, pinuntahan ko sya sa kanila to confront him. Wala akong naabutan. Nagtext ako sa kanya. Nag intay ako ng ilang oras sa pwesto kung saan makikita ko agad sya pero wala ni anino. Dalawang oras ang lumipas. Finally, he replied.
*Bryle Falcon 1 new message*
: Nanonood ako ng liga, umuwi kana. Mamaya pako.— I was alone. I was down. Napatulala ako at umuwi nalang.
Madaming pumasok sa isip ko. Di ako napapagod sa kanya pero parang napapagod ako sa ginagawa nya.
I decided to broke up with him. Guess his response.
D: I'm sorry, Bry. I can't help it. Let's just cut this off.
Pumikit ako at sinend ito. Kabang-kaba sa magiging sagot nya. Hingang malalim.
*Ting! (phone ringtone*
*Bryle Falcon 1 new message*
: It's up to you. Nakakapagod na din naman pagdududa mo, pagseselos mo. Nakakasakal ka. Di mo maintindihan na may mga kaibigan ako.
*Bryle Falcon 1 new message*
: Nakaramdam ka din, finally!
BINABASA MO ANG
LET IT BE
Teen FictionLet it be story is about something I really treasure the most. Relation with friends, family, classmates and love ones. Trials and errors. Failures and success. - Prologue "Congratulations, Graduates" Dalawang salita na talaga namang nakapag-pawi...