CHAPTER 2: SINCE THEN

7 0 0
                                    

October 1, 2014 (Michelle's 18th Birthday)

Michelle's POV

Its my day! Excited na'ko humarap sa mga bisita mamayang gabi. Ngayon araw na to, ako ang pinaka-maganda. HAHA teka? Kamustahin ko kaya si Denise? Siguro wag nalang baka busy din sa pag-aayos. Mag 6PM na din kasi. 7pm ang start. Wala pa ba si Marko? Ang tagal naman ako ayusan, gusto ko na lumabaaaas. Magbibihis pa'ko.

Denise's POV

Napakaraming bisita na ang nakarating at nakaalis, hindi padin ako tapos mag balot ng regalo. Bakit naman kasi human size bear pa binili ko? Nawala naman sa isip ko na babalutin pa 'to eh. Nagtanong din naman ako kung may ganito kalaking paper bag, wala din naman daw? Bakit ba kasi ito pa? Papaano ko ngayon ito dadalhin? Bahala na mag-aayos at magbibihis nako at baka mahuli pako sa seremonya.

Marko: Bry, pwede na kaya to? Tanong ni Mak kay Bry sabay ipinakita ang Pandora Necklace.

Bryle: Wala nabang ibang pendant dyan? Yung mas classy sana. Pagrereklamo nito.

Marko: Alam ko na, mahilig kasi yun sa dark. It comforts her, sabi nya saken. Ito nalang moon.

Bryle: That's what I really meant.

Binaba ni Marko ang una nyang pinili na necklace na may pendant na kutsara at tinidor.

Michelle's POV

Ito na, kinakabahan ako na masaya. Ewan ko ba, excited nako lumabas. Gusto ko na sila makita. Kung sino sino ang dumalo sa dami ng inimbita ko. HAHA teka retouch muna kaunti. Baka haggard na ang lola nyo. By the way, inasikaso ko yung mga bisita na nasa loob, mga relatives ko. Syempre baka maka blue bills sa kakadaan-daan ko sa harap nila. Sa laki at kinang ng ball gown ko imposibleng di nila ko mapansin no!

So ito na nga, magsisimula na. Nakaupo na sila lahat at talaga namang napakasaya ko na tingnan sila sa malayo. Pero wait? Marko, present. Bryle, present. WHAT THE HECK? Where is Denise? Wag mo sabihing hindi sya makakarating? Nasa kabilang bakod lang sya, dinig na dinig nya ang malalakas na sounds mula dito, imposibleng hindi nya maalala?

I am wondering.. Is she alright? Baka naman umalis sila? Pero may ilaw sa kwarto nila e. Baka naman may sakit? Pero wala naman sinabi sakin via text or messenger e.

Lalabas nako, tatawagin na'ko. Wag sana ako matapilok HAHA.

"Everybody stand up, and please welcome on mini stage our debutant... Michelle Buenaventura." (Round of applause)

Bryle's POV

Nasaan sya? Bakit ni anino nya, wala dito. Baka naman sa sobrang inosente nya, pinaghugas nya si Michelle ng mga pinag gamitang plato sa loob? HAHAHAHA ano ba naman tong naiisip ko. Pero kanina ko pa sya hinahanap e, puro kaklase nila nandito e. Imposibleng hindi nya alam na birthday ni Mich? Teka? Bakit ba pinagtira ko sya ng upuan sa tabi ko? Tsaka bakit ko ba hinahanap, e hindi naman sya ang pinunta ko dito.

Denise's POV

Bilissss, isakay mo na. Dadalhin ko na tong regalo ko. Simula na, mahuhuli nako ng sobra. Nakakahiya kay Mich. Agad kong pinagulong ang gulong upang agad na makarating sa venue. Di pako nakakatapak sa red carpet ng biglang...

Michelle: Denise?

Na agad namang nakatawag ng pansin ng lahat upang lingunin ako sa likod. Napakamot ako ng ulo at binitawan ang dala kong wheeler, sakay ang human size bear na regalo ko kay Mich.

Bryle: Pambihira.

Bryle's POV

Nakakatawa talaga sya, dumating ba naman ng halos hingal na hingal tapos may tinutulak na wheeler, sakay ang mas malaki pa sa kanyang teddy bear. Ano ba naiisipan ng babaeng to? Nagtawanan ang lahat na lubos na ipinagtaka nya. Sa halip na tumawa ako, tumayo ako sa kinatatayuan ko at lumapit sa kanya.

LET IT BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon