Chapter 9: Returning

678 15 4
                                    

Kris POV

Nagulat ako sa pinagsasabi ni Alden... like what is that??? Seriously? traydor si Barbie??? parang hindi naman ako makapaniwala... mukha naman siyang inosente eh... look... may paso pa nga siya eh, so paano siya magtratraydor? ewan ko ba dito kay Alden... kung anu-ano ang pinagsasabi...

"Traydor ka Barbie! Paano mo yun nagawa sa amin??" sabi ni Alden

Nagulat kaming lahat... napatayo si Derrick bigla... tiningnan niya si Alden... 

"Paano mo nasabing traydor si Barbie?" sabi ni Derrick

"Makinig kayo... kanina habang inililigtas ko si Louise, may isang babaeng nakaharang sa amin... hinypnotize niya ako at sinabing umalis na lang at iwanan si Louise... pero siyempre  hindi ko ginawa yun... kailangan kong mailigtas si Louise kaya nilabanan ko siya at natamaan siya ng fireball ko... At tingnan mo... may paso si Barbie... parang sa fireball ko... kaya posibleng..." sabi ni Alden

Pinigilan siya ni Derrick "so iniisip mo na nagtraydor si Barbie sa atin? Pare naman, mabait si Barbie.. niligtas niya ako... atsaka bakit niya ipapakidnap ang sarili niya.. di ba kapag traydor yun yung hindi nakidnap? di ba?" 

"Pero..." sabi ni ALden

"Alden... tama na... hindi ako nagtraydor at hinding hindi ko magagawa yun... tumigil ka na ng diyan sa pinagsasabi mo..." sabi ni Barbie kay Alden..

Bigla namang tumigil nga si Alden... siguro na realize niya na mali siya...

At pinuntahan siya ni Louise..

"Alden... mag-usap tayo..." sabi ni Louise

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa..." sabi naman ni Alden..

"Alden... may gusto akong malaman." sabi ni Louise

"Ewan ko sa 'yo."sabi ni Alden

"Alden!" sabi ni Louise

Nag-end ang conversation sa pag-uusap nila sa labas... hindi ko na sila pinakinggan kasi baka private yun di ba?

Mayamaya ay dumating si Principal Regine... meron siyang bandage sa ulo na nakuha niya sa pagkakauntog ng mga attackers sa kanya kanina...

"Good Morning guys and girls! I need to speak to the following people... Derrick Monasterio, Alden Richards, Kristoffer Martin, Louise delos Reyes, Lexi Fernandez, and Barbie Forteza." sabi ni Ma'am Reg.

"Ma'am lumabas po si Alden at Louise... kami lang po nina barbie at derick ang naririto." sabi ko

"Well in that case... maaari naman natin silang intayin di ba?" sabi ni Ma'am Reg.

"Opo." sabi ko

"Lika na. to the power room." sabi ni Ma'am Reg.

Pinunta kami ni Ma'am Reg sa power room... at dun na nagsimula ang interrogation... 

Alden's POV

pumunta kami ni Louise sa labas... kailangan niya raw akong kausapin eh... actually hinatak ako ni Louise palabas... para raw walang makarinig sa mga sasabihin niya sa akin... nandito kami ngayon sa playground... napaupo kami sa bench malapit sa park at dun kami nag-usap..

"Alden.... I'm Sorry... dapat ikaw ang pinakinggan ko... Si Barbie... traydor siya.." sabi ni Louise

Nagulat ako.. so... iniisip rin ni Louise na nagtraydor si Barbie? So maaaring tama ako? Na nagtraydor siya?

"A-anong ibig mong sabihin??" sabi ko

"Si Barbie... anak siya ng nagpadukot sa akin... hinypnotize niya ako... pero hindi yun naging successful... ewan ko pero nung sumigaw ka at nung nakita kita... parang nawala yung panghypnotize niya sa akin... simula nung..." sabi niya

"Wait Louise... bakit ka nga ba dinukot..?" sabi ko

"Ah... sa tingin ko may kinalaman to sa kumpanya namin... empleyado ng papa ko ang papa ni barbie... at gusto ng papa ni barbie na agawin sa amin ang company... kaya pinilit niya si barbie na saktan ako... nahypnotize ako... pero nang makita kita, bumalik ako sa katinuan..." sabi ni Louise

Nung makita niya raw ako, nagbalik na siya sa katinuan??? eh bakit hindi nung dinala ko siya kanina? ang gulo!

"Wait... naguguluhan ako.. so it means na gustong agawin ng papa ni barbie ang company niyo? yun lang ang dahilan kung bakit kamuntikan ka na nilang patayin??" tanong ko

"Kailangan ko pa bang i-rewind yung mga sinabi ko kanina? Bingol ka ata eh..." sabi niya

Oo nga... nagbalik na naman si Louise sa pang-aasar niya sa akin... >.<

"So... ano na ang dapat nating gawin?" tanong ko.

"Kailangan nilang malaman na hindi dapat pagkatiwalaan si Barbie... kailangang magapi natin ang mastermind nito... si Secretary G..." sabi ni Louise

"So yun yung papa ni Barbie." sabi ko.

"Oo... at isa pa Alden... kailangan rin nating protektahan si Lexi... may masama silang balak sa kanya." sabi ni Louise

"Si Lexi??? Bakit???" sabi ko...

"Well if I heard their plans right, si Lexi ang kaagaw ni Barbie kay Rick... i-memerge na ang Fernadez Group at Monasterio Group... at mangyayari ito kung magpapakasal si Lexi at Derrick..." sabi ni Louise

"AKala ko ba si Josh ang mahal ni Barbie.." sabi ko

"Si Josh nga... pero ang gusto ng parents ni Barbie para sa kanya ay si Rick." sabi ni Louise

"Oh! Grabe naman ang gulo!" sagot ko.

Ang gulo naman kasi talaga eh... pero basta ang alam ko ay hindi dapat pagkatiwalaan si Barbie, at ang mastermind ng lahat ay ang magulang ni Barbie, na traydor sa kumpanya ni Louise... at gustong saktan si LExi... waah! sakit sa ulo!!! >.<

"Wag ka nang maguluhan... bago ka pa man pumasok sa school na to, dapat alam mo kung gaano ito kagulo..." sabi ni Louise

"ah.. so lika na! dapat nilang lahat malaman to." sabi ko.

"Basta tandaan mo lang... lahat ng sinabi ko sa yo ay totoo..." sabi nia

"Tandaan mo rin... na kapag may bumubulong sa yo na gumawa ng mali... tumingin ka lang sa akin... at hawakan mo ang kamay ko... ako ang magbabalik sa yo." sabi ko

"Salamat... Alden... sa lahat... salamat at nariyan ka..." sabi ko

"Salamat rin... at nagbalik ka :) nag-alala ako kanina eh. kasi nagiba ka bigla..." sabi ko

Umalis kami ni Louise at pumunta sa ward...  kailangan itong malaman ni Lexi... before it's too late...  pero iba ang nakita namin sa loob... si...

Josh...

Super Tween AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon