Rafglen, this one is still for you...
Like I promised, here's the upper deck.
The lower deck was basically about our weird friendship. The upper deck... well, it's where the real tea lies.
I just don't know what's special in you at mayroon pa talagang part two? Sa dami nang gusto kong sabihin sa 'yo, hindi enough ang isang chapter lang. Gusto kong makawala, gusto kong matapos na ito kaya sasabihin ko na ang lahat. Sensored or not, sasabihin ko na.
2014 Valentine's day. After that scene of Eliseo singing with his girlfriend in front of our other schoolmates, pa-simple akong naglakad papunta sa classroom natin.
I was already crying while walking pa lang that time. I was lucky enough lang na wala akong nakasalubong na kakilala o any schoolmates while walking back to our classroom that time. Kasi kung mayroon, paniguradong mawi-weirduhan sila kung bakit ako umiiyak that time. Para kasing timang si dora, umiiyak na lang bigla. Parang kinantahan lang ng crush niya ang girlfriend nito, iiyak na. Masakit ba talaga?
But that pain will surely be nothing after you've finished reading this chapter. Not gonna promise, but it's a different kind of pain and it's too early to compare those pains.
So, naglalakad na nga ako pabalik ng classroom natin. Pagkarating ko roon, naabutan ko 'yong ibang kaklase natin na mas piniling hindi manood ng program and just chill outside our classroom together with their friends from other sections. In short, boyfriends nila.
But good thing at hindi sila pumasok ng classroom kaya agad akong pumasok doon to find a safe haven, at para na rin mailabas ko itong sikip na nararamdaman ko sa dibdib ko.
But, again, didn't happened.
Kasi pagkapasok ko sa classroom natin, nakita kita. Just as I was about to cry, nakita ko ang presensiya mong nakahiga sa mga bangko ng last table, sa pinasulok na ng room.
Automatically, umurong ang luha ko no'ng mga panahong iyon. Hindi natuloy ang planong pagngawa, at planong mailabas lahat ng hinanakit sa buhay ng mag-isa.
Nang dahil sa presensiya mo, umurong ang luha ko.
Imbes na umiyak, ang unang nagawa ko na lang ay magtanong sa 'yo kung anong ginagawa mo sa classroom natin. You're supposed to be there, cheering your friend sa panghaharanang ginagawa niya sa girlfriend niya. Close friends kayo 'di ba? 1D brothers kayo 'di ba? Anong ginagawa mo sa classroom at natutulog lang? Wala ka bang pakialam sa kaibigan mo? Anong ginagawa mo no'ng araw na iyon doon? Alam mo bang nang dahil doon, umurong ang luha ko? Are you aware of that?
Of course not. I never told you about that, though.
You weirded about my presence. Ang akala mo rin pala ay nandoon ako sa program at nanonood. Oo nga naman. Hindi nga kasi ako 'yong tipong magkukulong sa classroom kapag may event sa school. I was always watching with the crowd kaya sobrang nakakagulat nga ang presensiya ko sa loob ng classroom ng mga panahong iyon lalo na't Valentine's day pa naman.
Sa pagkakaalala ko, we talked about something... something about the program. I don't know how I talked to you with straight face ang tungkol sa panghaharanang ginawa ni Eliseo sa girlfriend niya.
Kahit sa loob-loob ko, ang sakit-sakit na no'n.
Just like what I said, that was the last time I ever got serious with my feelings for Eliseo. Kasi simula no'ng araw na iyon, an idea struck in me. An idea I never thought I'll be able to execute.
BINABASA MO ANG
50 BOATS
Non-Fiction50% Based On A True Story. Hi, I'm Reg and this is my cliché story.
