Fifth Boat

23 2 0
                                    

To my third ultimate crush named Viktor Jose, the fifth boat is for you.

I just saw you a few days ago. I think that was the sign that I should be talking about you, writing about you.

I honestly don't know where to start because I have a little information about you. There's nothing to talk about you. Seriously. Sino ka ba sa buhay ko? 'Yong totoo? Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga alam kung anong naging role mo sa buhay ko.

Just so you know, we barely talk, we barely even made a conversation. And this is what makes me strive for more. Striving so hard to talk about you.

So... paano ko nga ba sisimulan 'to? Saan ko ba sisimulan ang lahat tungkol sa ating dalawa? Tungkol sa 'yo? Ano ba ang sisimulan ko? Mayroon ba talaga akong dapat simulan? Bakit ko naman sisimulan? At kailan? Kailan ko kayang simulan ang lahat ng ito?

Mauna tayo sa unang tanong... paano ko nga ba sisimulan ito.

Sisimulan ko ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng lahat, walang halong biro, ng side ko. Ang side ng story kung saan ako ang nakakaalam. Para kapag nabasa mo man ito, malaman mo rin kung ano ba talaga ang totoo kong nararamdaman para sa iyo. Sana lang talaga at may makapagsabi sa 'yo tungkol sa isinulat ko para sa iyo.

LMS, chat. So vivid and clear, it started with Like My Status, and chat drama in Facebook.

2016... hmmm, the year of the brokenhearted. Kasi you know, brokenhearted and teta n'yo that time.

June 2016, dahil sa sobrang pagkasira ng buong buhay ko sa nagdaang annual fiesta ng city namin, Brokenhearted na brokenhearted and teta n'yo kaya naisipan niyang mag-LMS chat sa Facebook bilang status.

One random night, nasa terrace ako ng bahay namin, busy mag-scroll up and down sa Facebook, nagpapalabas ng sama ng loob, ng galit, at nang kung ano-ano pang expression sa katawan at buhay. Idinaan ko lahat sa pagbababad sa Facebook.

No'ng mga time na iyon, usong-uso sa news feed ko ang LMS, chat. Ang siste ay 'yong magpo-post ka nga sa wall mo nang ganoong klaseng post tapos kung sino man ang magla-like ng status mong iyon, ay icha-chat mo siya at makikipag-kaibigan, kung hindi mo naman kaibigan. Tapos mag-uusap lang kayo ng kung anong gusto n'yong pag-usapan o kung may pag-uusapan ba talaga kayo.

That one night, I did it. Usually kong ginagawa iyon pero kapag 'yong super boredom na talaga ako at gustong-gusto kong may makausap o 'yong tipong trip ko lang makipag-small talk kahit ayokong-ayoko talaga ng small talk, small talk na iyan.

So paulit-ulit ako nito, ginawa ko nga iyon, ini-status ko nga iyon. May iilan namang nag-like sa status na iyon pero sobrang tagal pa bago may nag-like. Tapos 'yong mga nagla-like naman ay mga kilala ko na talaga at 'yong tipong close friends ko't madalas ko namang nakakausap. Mga kaibigan ko sa personal, kumbaga. Kaya sobrang useless kung icha-chat ko pa sila dahil lang nag-like lang sila sa status kong iyon.

At isa ka sa mga taong nag-like ng status kong iyon.

I usually see your posts. Minsan ka na ring na-mention sa akin ng isang bestfriend ko. Sa pagkakaalala ko, ang unang time na parang nagka-ideya akong nag-i-exist pala ang isang katulad mo ay noong magtanong nga ang kaibigan kong iyon tungkol sa 'yo, kung kilala ka ba namin kasi na-mention ng kaibigan kong iyon na pareho raw kayo ng course na tini-take sa college pero magkaiba nga lang ng school.

Siyempre, ang sabi ko hindi. Your Facebook profile name is familiar pero hindi kita kilala personally. Friends lang tayo sa Facebook pero hindi naman kita personally kilala. Paulit-ulit para lang dumami ang word count nitong chapter na ito. Ni hindi nga kita nakita ng personal, eh, ang makilala pa kaya personally, 'di ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

50 BOATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon