Kung nasa isang boat ka kasama ang mga taong minsang minahal mo ng totoo tapos biglang lumubog ang bangkang iyon, with only two life jacket left, sino ang sasagipin mo? Kanino mo ibibigay ang isa pang life jacket na hawak mo?
Kay first ultimate crush na eventually ay naging first love mo at nagbigay sa 'yo ng knowledge about how love works during teenage years?
Kay first boyfriend na smooth lang ang naging unang relasyon mo sa kaniya and no grudge at all?
Kay second ultimate crush na pinapa-iyak ka every Valentine's day?
Kay second boyfriend na walang iba kundi baguhin ang takbo ng buhay mo?
Kay third ultimate crush na naging ka-mutual understanding mo and stick with you for years without label?
Kay fourth ultimate crush na pabebe naman pero ewan, pabebe talaga.
Kay lalaking dapat siya na pero hindi talaga.
Who's deserving for this one life jacket?
Ako ba dapat ang sasagip sa kanila o ako dapat ang sasagipin nila? Kailangan ko bang magpa-sagip sa ibang tao? Ano ba 'to? Sagip Kapamilya?
Pero seryoso, kung kayo papipiliin, kanino n'yo ibibigay ang isang life jacket? Ibibigay mo ba lahat at hahayaang malunod ang sarili mo o magtitira ka para naman masagip ang sarili mo? Kailangan ko ng sagot, ngayon din, bago mahuli ang lahat. Malapit nang malunod ang bangkang lulan namin.
By the way... Hi, I'm Reg Obas and this is my story.

BINABASA MO ANG
50 BOATS
Non-Fiction50% Based On A True Story. Hi, I'm Reg and this is my cliché story.