To my first boyfriend who named Arr-Jay, the second boat is for you.
Your name sounds familiar pero masiyadong unique ang spelling ng name mo kaya ang hirap mong pangalanan. I do hope you're not gonna sue me when the time comes na mababasa mo ito. And I do hope so na hindi mo na talaga mabasa ito.
First boyfriend… Wow! Never thought I'd experience that, 'yong magkaroon ng boyfriend, 'yong maging boyfriend ang crush to be exact. Ikaw ang unang nagpa-experience sa akin nang ganyan.
2nd year high school. Sophomore year. Masiyadong challenging ang year na ito. Maraming ganap. The innocent 10 year old became a slightly open-minded 13 year old girl. Teenage life starts now na pala.
Matagal na kitang napansin. 1st year high school pa lang ako napansin na kita. Napansin lang talaga kasi schoolmates tayo, e. At saka, kapansin-pansin ka naman talaga.
You wanna know where I really got hit by cupid when I saw you? It was at the spot where you practice your sport. The sepak takraw court near media luna. Nakaupo ako, together with my classmate. Late kang dumating sa first period mo sa hapon. You wore this brown shirt na may hood, jeans, sneakers, and this gray backpack. Naglalakad ka from canopy going to the court, pass by me, patungo sa classroom n'yo. 4th year high school ka na pala.
Natahimik kami ng friend ko pagdaan mo. I don't know, siguro may dumaang anghel, siguro dumaan ka na mukhang anghel sa paningin ko.
Sobrang guwapo mo no'ng time na 'yon. As in sobrang guwapo na balita ko marami raw nagkaka-crush sa 'yo. And I think I just signed up for that long list of admirers of yours.
Itong kaibigan kong kasama ko nang dumaan ka, nang lumampas ka, ay bigla akong kinalabit just to tell me na "Tam, ang guwapo niya, 'di ba?" Tam was our endearment, by the way.
I sighed. Mukhang pati ang atensiyon ng kaibigan ko, nakuha mo.
Tumango ako sa kaniya. Sinabi ko, yes, mukhang crush na rin kita. Cute ka. Guwapo. Kinulang lang sa height pero okay na, bawing-bawi naman sa mukha.
This time, hindi na big deal sa akin ang magkaroon ng crush. Parang okay, dadaan lang 'to sa buhay ko, lilipas din 'to. Hindi na ito kasing strong no'ng naramdaman ko sa unang crush ko. It was like infatuation… pure infatuation.
Mas lalo akong hindi nag-focus sa 'yo at naghanap na lang nang panibagong crush nang malamang may girlfriend ka na. Wow. Ang sakit, 'di ba? Tapos, heto pa, dagdagan pa natin 'yong sakit… maganda 'yong girlfriend mo. Pareho kayong kinulang sa height kaya sobrang bagay n'yo.
Then destiny interfere everything.
Like, really? What's with destiny at bakit ganito siyang magtrabaho? Ang galing n'yang mang-trip, palagi n'ya akong napagti-trip-an. Akala naman n'ya natutuwa ako. Sige pa nga. Damihan mo pa. Gusto ko, e.
This fucking connections and mutual friends made its way for me to meet you… through text.
Ewan. Parang ang tanga ko sa part na alam kong may girlfriend, hiningi ko pa rin ang number mo sa kaklase mo na kaibigan ng kaklase ko na naging kaibigan ko na rin dahil sa sobrang daldal n'ya. O, 'di ba, magulo?
My intention that time was to make friends ONLY. May girlfriend, e, off-limits. Pero uso 'yong GM at textmates kaya hindi masiyadong big deal that time kung maraming ka-text ang jowa mo. The more numbers na naka-phonebook sa cell phone mo, the more GM and relatable quotes kang ma-s-share-an, 'di ba? Wala pa 'yang status-status na 'yan dati. GM was the hottest trend pa. Like, sasabihin mong GM 'yon pero si crush lang naman talaga ang s-in-end-an mo. Parang tanga, 'di ba? Pa-GM-GM tapos isa lang pala ang sini-send-an. Okay ka lang?
BINABASA MO ANG
50 BOATS
Non-Fiction50% Based On A True Story. Hi, I'm Reg and this is my cliché story.
