To my first ultimate crush who named Glenn, this first boat is for you.
I was grade five when I first met you. I was 10 years old then. I was then so innocent. Walang ideya kung ano 'yong pinagkaiba ng crush at love. Walang first love, walang first crush, wala pa.
Imagine, an innocent 10 year old na nag-c-cringe sa mga kaklase niyang nagsasabi na sa kani-kanilang crushes? I had no idea back then about the feeling of having someone to inspire to.
And then you came… accidentally.
Wala 'yong advisory n'yo for a month. Kinailangan n'yang i-disseminate ang whole class n'ya to every sections of grade five class. Like five students in every section.
I belonged to the star section, where the star students, brilliant students, and students na anak ng mga teachers. Halu-halo kami and I knew them very well dahil classmates ko na sila since grade two. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha nila at masiyado na silang familiar sa akin kaya wala akong nagustohan sa kanila. Lol, real talk. Talagang real talk.
You and your four other classmates came. My eyes went exactly to you as you enter our classroom.
Blue cap, white shirt, faded jeans, converse sneakers, brown sling bag. Kahit ganoon ang suot mo, naging prim and proper ka sa paningin ko. Na-ungasan mo ang mga kaklase kong naka-complete set of uniform.
Then I said to myself… this guy is different, how come ngayon ko lang siya nakita? Where did he came from? What's his name? Bakit hindi siya sa table namin nakaupo?
'Yong table namin noong elementary ay pahaba. 'Yong tipong lahat kami ay nasa iisang table. Hindi desk type ang gamit namin. Bahala na kayong mag-imagine, basta 'yon na 'yon.
Nasa 1st table ako, malapit sa blackboard, malapit sa isang entrance ng classroom, malapit sa bintana, malapit sa hallway. Ikaw ay nasa 6th table, pinakadulo, malapit sa CR.
Our adviser asked you to introduced yourselves. You said your name and your name is Glenn. Junior ka ng Tatay mo.
Malayo ka sa akin at kung titingin ako sa 'yo, masiyadong halata kasi kailangan talagang tumalikod ako sa blackboard just to do that. Unless, magpapa as if akong titingin sa isang kaklase ko just to have a glance with you.
I don't know what I felt that time. It was so alien to me. Madalas akong napapatingin sa 'yo. Na-i-inspire akong pumasok sa classroom namin knowing na nandoon ka kahit na hindi naman talaga tayo magka-klase. Minsan, kahit hindi na-iihi, pupunta akong CR para lang makadaan sa likuran mo. Parang ang saya lang. Parang ang gaan sa pakiramdam.
I kept that feeling to my elementary best friends that time. Baka kasi ma-weird-uhan sila sa sasabihin ko and partially… natatakot akong baka mapansin ka nila at agawin sa akin kahit wala namang tayo. Yes, super weird ng mind set ko noong elementary ako.
Then the one month expired. Kinailangan n'yo nang bumalik sa dating class schedule at sa totoong classroom n'yo dahil bumalik na ang adviser n'yo.
I never got a chance to talk to you. Nainggit ako noon sa mga kaklase kong katabi mo sa sixth table kasi mabuti pa sila, they had the chance to talk to you.
I never got the chance to introduced my self to you and approached you to entertain you. I was so mahiyain and tahimik noong elementary. Every year yata may 'Well-Behaved' na ribbon akong nakukuha sa Recognition Day, e. Legit 'yon. Kung mababasa man ito ng mga elementary classmates ko, they can attest to this statement.
So, yeah, that was the end of my alien feelings for you.
Or so I thought...
Simula no'n, napansin na kita. Napapatingin na ako sa classroom n'yo sa tuwing dadaan ako roon papunta sa classroom namin. Tuwing flag ceremony, recess, at uwian, hinahanap ko na 'yong lalaking naka-white shirt at blue cap. Parang automatic na naka-register ka na sa utak ko at hindi ko alam kung anong sorcery ang ginawa mo sa 'kin no'n at ganoon ang atensiyong naibibigay ko sa 'yo.
BINABASA MO ANG
50 BOATS
Nonfiksi50% Based On A True Story. Hi, I'm Reg and this is my cliché story.
