KPL #16

77 15 0
                                    

Messenger

12-HUMSS MABAYA

Charlie Gorgonio added Filomena Abadiano to the group.

Franchett:
So final na talagang overnight swimming na lang?

Faye:
Go na ako riyan para na rin lahat makakadalo.

Gregor:
Oo, tapos dala na lang tayo each ng puwedeng pagkain.

Novy:
Or assign na lang tayo sa kada person para walang mauulit

Filomena:
Hi guys!!!!

Tim:
Ano ba 'yan akala ko pa naman makakaiwas ako sa gastos sa reunion na 'to

Faye:
So kuripot

Charlie:
Wait guys enlighten us, so itong reunion na 'to atin-atin lang? Hindi 'to from our school?

Linsay:
Yes, atin lang po. Ilang beses na kasi tayong 'di nakadalo ng complete sa previous parties ng school for us because everyone has been busy. Ngayon lang nagkaroon ng chance so sulitin na.

Charlie:
Oh okayyyy

Franchett:
Kayo na lang mag-send ng kaya ninyong iambag

Tim:
Pagmamahal na lang muna sa akin guys

Novy:
Ayaw namin ng pagmamahal mo

Filomena:
Pwede akong magdala ng pancit malabon

Charlie:
Ay same ako kay Filo. Dala kami mga tatlong bilao ang tatakaw niyo pa naman

Gregor:
Kami lang ba???

Guia:
Hi guys

Franchett:
BESSYYYYYYY

Novy:
HI BEBE

Tim:
Ayan na si Guia talaga may pinakamaraming pera sa 'tin dito e

Guia:
Baliw

Gusto niyo ba ng lechon?

Tim:
NAYS WAAAAAAN

Gregor:
Nakita ko 'yong lechon mas ginanahan akong pumunta.

Kung Puwede LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon