Wakas III

57 12 16
                                    

Wakas III



October 22 ang opisyal na release ng unang publication ng Verified ngayong taon. Nakalagay sa bawat pahina ang mga pinaghirapan naming isulat sa mga nagdaang buwan. Nagpa-cake si Ma'am Fernando kaninang umaga, sa break time naming mga senior, para sa munting celebration naming lahat.

I praised everyone for their hard work because I witnessed and experienced how hard the process was. Medyo naiyak pa nga ang mga juniors lalo na ang mga first time masama sa official school newspaper bilang manunulat.

Sa parehong araw lang din nalaman ng mga kaklase namin na parte pala ako ng Verified. Gulat na gulat kasi silang may mga nasulat akong articles tungkol sa iba't ibang mga naganap na events ng school.

"Gago ka, Zyair! Di ka nagsasabi!" Halakhak ni Jhonny habang binabasa ang sinulat ko tungkol noong Club Day sa booth nila.

"Kaya pala 'di ka sumali para maging advocate!" sabi pa ni Haren.

Nagtawanan kaming mga lalaki sa row.

"Di naman kayo mga nagtatanong," marahan kong sabi. "Saka sa Verified ko naman talaga gustong sumali. Buti nga nakapasa ako sa editor-in-chief."

"Sino ba EIC niyo?" Greg asked cluelessly.

Tinampal siya ni Jhonny. "Gago, 'di mo kilala? Si Filomena ang EIC ng Verified. Nakasulat na nga sa dulong part ng newspaper."

Nanlaki ang mga mata ni Gregor at mabilis na nag-skip sa dulong part ng paper para tingnan ang members. Nakangiti akong napailing at hinayaan silang puriin pa ako. Aba, 'di naging madali maging kanang kamay ni Filo kaya deserve kong makarinig ng papuri kahit ngayong araw lang. Isa pa, proud ako sa achievement na ito kaya 'di ko naman sinasarili ang mga natatanggap na compliments.

"Managing editor ka?" tanong ni Greg. "Anong trabaho mo?"

Napangisi ako dahil sumagi sa isip ko 'yong mga pinagdaan ko bilang managing editor. Madali lang naman ang trabaho ko pero naging challenging dahil kay Filo. Daming utos saka sobrang strict! Di naman ako nagrereklamo dahil gustong gusto ko rin namang maging sunud-sunuran niya.

"Sa akin muna dumadaan yung mga pinapasa nilang articles tapos babasahin ko at ie-evaluate. Kapag minor revisions na lang ang kailangan, ako na ang gumagawa pero kapag medyo marami pa, binabalik ko sa nagsulat para siya ang mag-ayos."

"Naks! Pagkatapos mong i-check?" Greg asked, curious.

Saglit kong hinanap si Filo gamit ang mga mata pero masyado nila akong pinaliligiran kaya 'di ko siya nakita. "Pasa na sa boss para sa final editing."

Natawa si Jhonny. "Kumusta naman ang boss mo?"

I proudly smiled. "Maganda—"

"Zyair!" Nalunod ang aking boses sa tili ni Linsay.

Naramdaman naming papalapit sila ng mga kaibigan niya sa amin kaya nagbigay ng espasyo ang boys. Nakatayo sa likod ko si Lin kaya tumingala ako para makita siya.

"Ang gaganda ng mga sinulat mo! Nabasa ko!"

"Ah, thank you."

"Grabe, member ka pala ng Verified at Managing Editor pa!" manghang sabi ni Faye.

"Syempre, sa talino at galing ba naman ni Zyair sa pagsusulat, 'di siya matatanggap?" Franchett said. "Daming may crush sa 'yo kaya ang daming nanghihingi sa library ng copies!"

"Oo, parang ngayon nga lang pumatok ang publication ng Verified," Lin said that I didn't like.

"Uy, 'di naman. Magaganda rin ang mga dati nilang nilabas. Baka 'di mo lang nabasa," sabi ni Haren dahil mukhang napansin niya ang pagbabago ko ng mood.

Kung Puwede LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon