Wakas IV

72 12 42
                                    

Wakas IV

Si Filomena ang first kiss ko at sabi niya ako rin naman daw ang kanya pero nagduda ako noong una dahil masyado niyang ginalingan! Natuto raw siya sa mga sinusulat niyang kissing scenes. Yung iba pa nga raw beyond kissing na kaya inasar niya ako na anytime ready daw siya.

Napakakulit! Ang lakas ng loob akitin ako dahil alam niyang mabilis akong bumigay. Dahil masyado niya akong inasar at competitive ako, nanood ako ng iba't ibang mga tutorials sa internet kung paano humalik. Humanda lang talaga ang babaeng 'yon sa pangalawang beses naming halikan.

Pakonti-konting bumalik si Filo sa sarili niya at mas naging malapit pa nga kami. Lagi na siyang umo-o kapag ililibre ko sa Siogo. Dumalas din ang bisita ko sa grandparents ni Filo dahil lagi akong nagpipresentang sumama. Mabuti nga't nakalabas na sila bago dumating ang Pasko.

January 14 ang pangalawang release ng issue namin sa Verified at kumpara noon, mas healthy and positive na ang natanggap naming feedbacks galing sa students. Iyon din ang araw na inanunsyo ang top students sa 2nd quarter. Wala namang masyadong nagbago, kaming dalawa pa rin ni Filo ang na sa top 1.

Kung sobrang busy na namin noong first sem, mas lumala lang ngayong second semester. Nagsimula na ang work immersion namin, which was to teach a specific grade level of our choice.

Pinili ko grade seven at na-assign ako sa apat na sections. Filipino ang subject na pinili ko dahil kabisado ko ang Ibong Adarna, confident akong matuturuan ko sila ng mabuti.

Si Filo naman sa grade 9 at Filipino rin dahil paborito niya raw noon ang Noli Me Tangere. Marami siyang gustong ibahagi sa students tungkol sa nobela para daw ma-appreciate ng mga bata ang isa sa mga tanyag na gawa ni Rizal. Sabi ni Filo, hindi naman daw kasi boring ang FIlipino literature. Sadyang depende lang sa nagtuturo iyon para mahikayat at maunawaan ng mga bata.

Noong una ay 'di ko pa gamay ang mga estudyante ko pero nakalipas lang ang ilang mga araw, close ko na ang halos lahat sa kanila. Pakonti-konti kong nakuha ang mga loob nila para mag-participate at makinig sa discussion.

Kinuwento rin sa akin ni Filo ang tungkol sa mga klase niya. Mostly upper sections pala ang napunta sa kanya kaya sobrang interesting daw lagi ng discussion nila.

Magaganda raw ang mga nabibigay na opinion ng mga students at madalas magkaroon ng debate sa klase na syempre, siya ang pasimuno. Masyadong palaban si Filo na kahit lower grade students ay hinahamon niya.

Dumating ang Pebrero nang hindi namin namamalayan. May pang-isang linggong program ang student council na kinailangang i-cover ng Verified. Mga grade 11 at grade 10 members namin ang na-assign doon dahil masyado kaming abala ni Filo para tutukan iyon.

Mismong Araw ng mga Puso na kaya ngayon nagmamakaawa ang mga estudyante ko na huwag muna kaming magklase dahil gusto nilang sumali sa Feb-Ibig Program ng SC. Saglit ko iyong pinag-isipan. Tutal mga mababait naman sila at konti na lang ang kailangan naming gawin, pumayag na ako.

"Kuya Zyair!" tawag sa akin ni Sophia, isa sa mga grade 10 members ng Verified.

Na sa gilid na ako ng school's open gymnasium kung na saan may iba't ibang booth ang SC para sa program nila. Pinlano kong manatili muna rito saglit para bantayan ang mga estudyante ko.

"Oh, Sophia. Bakit?"

Lumapit sa aking harapan si Sophia. "Hanap ka po ni Ate Filo. Na sa HQ siya. Kung wala ka raw pong klase, pumunta ka raw po doon."

My face lit up. "Sige, pupunta na ako. Salamat."

Umalis na rin agad si Sophia sa aking harap. Hinanap ko muna sa gym ang president ng klase ko para sana sabihan siyang i-moderate ang classmates niya habang wala ako. Mukhang nagkakatuwaan na sila kaya 'di ko agad mahanap.

Kung Puwede LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon