KPL #28

71 14 0
                                    

Messenger

12-HUMSS MABAYA

Charlie:
Alam mo, Linsay, salamat sa mga sinabi mo ha pero hindi kailangan ng sermon ni Filo.

Oh sige magprankahan na tayo rito, oo nga't ngayon niya lang muling naisipang kausapin si Zyair dahil may opurtunidad na dumating pero kung ikaw ang na sa posisyon ni Filo, palalagpasin mo ba 'to?

Hindi naman pare-pareho ang naging landas nating lahat. Oo nahirapan kayo pero hindi ninyo alam na may iba riyang ilang beses nang nawala at pansamantalang tumigil dahil ilang beses ding naubusan ng pag-asa.

Hindi tayo pare-pareho ng problema.

Hindi na tayo mga bata.

May desisyon din naman si Zyair at kasama roon ang tumanggi. May utak 'yon. Kaya niyang tumanggi kung ayaw na niya talagang ma-involve kay Filo. Ang gusto lang ni Filo, maka-usap siya.

Linsay:
For sure magpapa-victim 'yang kaibigan mo para mapapayag si Zyair ulit.

Charlie:
Alam mo, Say, matalino ka sana pero minsan wala ka na ring kwentang kausap.

Ikaw ba si Zyair ha? Konektado ba brain cells ninyo?

Gets kong concerned kayo kay Zyair pero puta 'di naman 'yon bata.

Masyado kayong invested sa kanya palibhasa mga guilty pa rin kayo.

Ano, tama ako, 'no?

Guilty pa rin kayo kasi kayo rin naman, nagkamali.

Nagkataon lang na si Filo ang nagmukhang pinakamalala pero lahat kayo, nagkamali rin.

Can we just stop pointing fingers here and just fucking move on? Just give Filomena Zyair's contact information for god's sake.

Kasi kung ungkatan lang pala ng nakaraan, sige ba. Ipapaalala ko kung paano ninyo pinabayaan si Zyair.

Franchett:
Pasensya na kayo pero hindi talaga namin ibibigay.

Sige, tama ka, Charlie. Siguro nga guilty pa rin kami kaya sobrang protective namin kay Zyair pero ayon nga, e.

Sa amin ninyo kasi kukunin ang information kaya kapag may nangyaring masama na naman, damay ulit kami.

Hayaan na lang natin si Zyair, please.

Kung Puwede LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon