HCW 7

0 0 0
                                    

Naglalaro sa sala si ashley with her yaya habang ang lola naman niya ay abala sa pagluluto ng lunch sa kusina ng dumating ang mag asawang allegre.

"how's our baby girl?" masiglang bungad ng mag asawa dito.

Nagliwanag lalo ang mukha ni ashley ng makita ang lolo at lola niya sa side ng daddy na may katagalan naring hindi nakikita.

"grandma, grandpa." sinalubong niya ang mga ito ng mahigpit na yakap.

Masayang masaya ang mag asawa habang yakap yakap ang bibong apo kaya lalo nila itong pinanggigilan.

"miss na miss ka namin ng lolo."

Kumalas ito sa yakap sa kanila pero nanatiling nakatingin sa lolo at lola na nakangiti.

"I miss you too so much po!" she jumped while giggling.

Naupo sila sa sofa at kinandong ang bibong bibong apo.

"so, kamusta na ang second princess namin?" malambing na tanong ng lolo andrew niya.

"I'm okay po. Specially now that you're here. Mas maraming family, mas happy." naglumikot pa ito habang kalong ng lolo.

"bakit may problema ba ang apo ko?" nag aalalang usisa ng lola niya habang sapo ang malambot na pisngi ng apo.

Bumuntong hininga si ashley bago umiling.
"I'm okay lang po grandma."

"oh balae nandito pala kayo, tamang tama malapit na maluto ang lunch, dito na kayo kumain." bati ni amara sa mga ito bago bumeso sa ina ni ash.

Si ashley naman ay bumalik sa paglalaro kaya nagkaroon ng pagkakataon ang tatlong mag usap usap.

"may problema ba si ashley balae?" nag aalalang tanong ni sandra-mommy ni ash.

Nalulungkot na napatingin si amara sa apo.

"ganun parin balae. Yung tungkol pa rin sa mag ina." napabuntong hininga siyang napapahilot sa ulo.

batid ng mag asawang allegre ang nangyayari sa mag ina. Nalulungkot sila para sa mahal na apo dahil hindi na nito halos nakakasama ang ina kahit pa gaano nito kagusto.

Pero nalulungkot din sila para kay thiara dahil kailangan nitong pagdaanan ang ganitong klase ng sakit. Naging saksi sila sa pagmamahalan ng dalawa at naging saksi din sila kung paanong halos mawalan ng pag asang mabuhay si thiara nung magising itong nakaburol na si ash.

Araw araw at walang tigil itong umiiyak kaya buti nalang hindi nalaglag ang dinadala nito. Naging mabait parin ang nasa taas na hindi pinabayaan ang mag ina dahil ng panahong iyon ay hindi na halos naalagaan ni thiara ang sarili dahil sa pagluluksa.

"sana bumalik na sa dati si thiara, nakakamiss din ang batang yun. Gustong gusto ko na ulit siyang makitang nakangiti at masaya." naging emosyonal si sandra dahil napamahal na si thiara sa kanya at itinuring na itong tunay na anak.

Hinahaplos naman ni andrew ang likod ng asawa para pakalmahin ito. Kahit siya ay nalulungkot para sa sinapit ng nobya ng anak.

"titaaaaa." masayang bati ni thiara kay sandra pagdating nito sa garden area ng mansion ng mga allegre.

Ngiting ngiti ito habang tumatakbo palapit sa kanya na nagdidilig ng mga halaman.

Pinatay ni amara ang hose bago ito hinarap at ginantihan ng matatamis na ngiti.

"hija namiss kita, kumusta kana? Ang tagal mo namang bumalik dito." niyakap siya ni thiara ng mahigpit kaya medyo natawa siya.

Napakalambing talaga ng dalaga sa kanila kaya mahal na mahal nila itong parang tunay na anak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Cold WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon