masasayang tawa ang maririnig sa salas ng mga lucas ng gabing iyon. naaaliw ang mag asawang sebastian at amara sa bibong apo na panay ang sayaw sa harap nila ng itinurong sayaw sa eskwelahan.
masaya ang dalawa na dumating ang munting anghel nila na syang naging rason ng patuloy na pagkakaroon ng kulay at saya ng bahay nila, naging malamig ang unica hija nila sa lahat kaya may parte sa kanila na parang nawalan din sila ng anak.
nawala kasi ang anak nilang masayahin at positibo sa buhay.
"I will show it to mommy, lola, okay? so, you'll gonna wake me up kapag po nakatulog ako. please." punong puno ng sayang nagsasayaw pa ito hindi alintana ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang lolo at lola.
nagkatinginan ang dalawa at parehas na may nalulungkot na mata.
laging gabi na umuuwi ang anak at hindi nila alam kung napapansin ng anak nila na hindi na nito napapagtuunan ng pansin ang pinakama mahal na apo.
"lolo lola I have a question." hinihingal na umupo sya sa pagitan ng mag asawa.
pinunasan naman ng ginang ang likod ng apo para hindi ito matuyuan ng pawis.
"why did you give mommy the tiara name? di ba po ang tiara is yung small crown ng mga princess?"
bumalik ang ngiti sa labi ng mag asawa sa tanong ng apo.
hinaplos ng ginang ang makintab na buhok ng apo bago ito sinagot.
"kasi ashley apo, you see, you're mom was the only girl from their generation, lahat ng mga pinsan niya lalaki, so, she was treated as a real princess, tiara symbolized princess kaya yun ang ipinangalan namin sa kaniya. prinsesa namin sya noon hanggang ngayon." paliwanag ng ginang na dinugtungan naman ng asawa niya."but, my additional na. we now have two princesses because you're here." niyakap niya ng malambing ang apo na tawa naman ng tawa.
kiniliti nila ito ng kiniliti kaya rinig na rinig sa buong bahay ang maliliit na tawa nito. masaya sa pandinig ng mga nasa bahay ang munting tinig ng bata.
lumalim ang gabi at nakatulog na si ashley sa paghihintay sa ina na mukang nag overtime na naman sa opisina, napaka dalang na nila itong nakakasalo sa pagkain, sa umaga madalas ay maaga itong umaalis dahil sa mga breakfast meeting nito.
kaya ang atensyong dapat ang anak ang nagbibigay sa apo nila ay sila nalang mag asawa para hindi maramdaman ng bata na napapalayo na ang ina sa kanya.
napasimsim si sebastian sa kopitang hawak nya habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto nilang mag asawa, tinatanaw kung dumating na ba ang anak pero mag aalas onse na ay wala parin ito.
"hon di pa ba dumadating?" usisa ng asawa nyang tumabi sa kanya at sumilip din sa bintana.
napabuntong hininga sya bago sumagot. "not yet."
"hay naku naman, where could she possibly be right now." nag aalalang usal ng ginang na kanina pa hindi mapakali. hindi ito ang unang beses na umuwi ng gabi ang anak pero habang tumatagal ay palalim ng palalim sa gabi ang uwi nito.
wala naman itong nababanggit sa kanila dahil nga hindi na ito palasalita gaya noon na halos ikwento nito ang buong pangyayari sa maghapon niya.
"stop worrying, matulog kana. she'll be home later at malaki na sya alam mong makakaya na nya ang sarili nya." tinabihan niya ang asawa sa kama at iniunan ang ulo nito sa braso nya.
"I know, but, I can't just relax knowing that argus might still be around." hindi mawala ang pag aalala sa ginang.
"alam mong mas handa na tayo ngayon at sinisigurado kong hindi na mangyayari ang nangyari noon, wala ng mawawala." hinalikan niya ito sa noo at kinumutan.
"sleep now." niyakap nya ito at hinayaang makatulog sa bisig nya habang siya ay nanatiling nakatulala sa kisame.
BINABASA MO ANG
His Cold Woman
Romancemabigat sa loob na tanggapin na ang isang mabait, masayahin at mapagmahal na tao ay magiging isang malupit, mailap at malamig sa lahat. the warm that her presence is giving to the people who knows her eventually turn into cold icy one. she lost him...