tunog ng mga suntok at sipa sa punching bag ang maririnig sa isang private gym, pawisan at hinihingal pero hindi parin sya tumitigil.
nakasuot lang sya ng legins at boxer bra. Binibigyan ni thiara ng oras ang gym para mas mapalakas niya ang katawan dahil sa pinaghahandaan niyang paghaharap nila ng taong yun.
one big punch na halos tumalsik ang punching bag and a killing side kick na lalong nagpaalog sa bag.
sandali syang tumigil, hingal na hingal sya habang nakahawak ang dalawang kamay sa punching bag, saglit na nagpapahinga bago ulit magpatuloy.
susuntok na sana sya ng may biglang magsalita.
"maawa ka naman sa punching bag." natatawang lumapit sa kanya si light habang bitbit ang gym bag nito. naka jogging pants ito at itim na sando. bakas nito ang mga muscles na dulot ng paggi-gym.
malamig syang tinapunan ng saglit na tingin ni thiara then continue on punching.
"hindi ka pa ba pagod?" narinig nyang tanong ng kasama pero hindi sya sumagot.
kasunod ng pagtahimik nya ang nang aasar na tawa nito.
"come on, be softer sometimes, masyado kang hard eh. where's our sweet little princess,ha?"sumuntok sya ng malakas bago yamot na nilapitan si light at binigyan ng isang mabilis at may kasakitan na suntok.
sa bilis ni thiara ay hindi na niya ito nailagan pa.
"f*ck!" napapailing niyang hinawakan ang pangang sumasakit.
"I didnt see that one coming haha." natawa pa sya kahit masakit ang natamo nya."I told you not to call me princess! Your princess died 6 years ago!" inalis niya ang gloves at itinapon sa sahig bago dinampot ang bag at umalis, hindi na niya nagawang mag shower at sumakay na sa sasakyan.
"damn it!" napapalo sya sa manibela habang hinihingal hindi dahil sa pagod kundi sa halo halong nararamdaman.
nagagalit sya kahit hindi naman dapat, pero at the same time parang gusto nyang umiyak pero hindi niya magawa.
simula ng makita nya ang isang kamukhang kamukha ng lalaking matagal ng minamahal ay hindi na nya maintindihan ang sarili. gusto nyang paniwalaing totoong buhay nga ito pero paano mangyayari iyon kung sa harap niya mismo ay nawalan ito ng buhay.
Kung sa mismong harap at bisig niya ay tumigil ang paghinga nito.Napasubsob sya sa manibela habang hinahayaang tahimik na umagos ang luhang pilit nyang itinatago.
ilang minuto syang nasa ganoong posisyon hanggang sa tumunhay sya at isang malamig at seryosong thiara na ang makikita.
"aalamin ko ang lahat." it's like, you could see fire in her eyes, it's blazing with anger.
binuhay niya ang makina at nagmaneho, hindi man siya sigurado sa nakita pero ang puso nya ang nagbibigay ng higit na pag asa na buhay ang taong minamahal mula noon hanggang ngayon.
Pero may parte din sa isip niya nagsasabing baka dulot lamang ito ng sobra sobrang pangungulila, pwede nga bang mangyari yun? Na sa sobrang pagnanais mong makita syang muli ay makikita mo talaga sya sa katauhan ng iba.
nilulukob sya ng halo halong alala nila simula ng araw na makita nya ang taong kawangis na kawangis ni ash.
Bored na bored na si thiara sa loob ng klase pero ang tagal tagal pa rin ng dismissal. Gustong gusto na nyang pumunta sa canteen at kumain. Ito ang hilig niya, foodtrip. But still, she don't gain so much weight which she finds weird. Kain siya ng kain pero hindi siya tumataba.
Nagliwanag ang mukha niya ng marinig ang pinaka magandang musika sa tainga niya. Ang tunog ng bell. Nagmamadaling niyang inayos ang mga gamit at sibat palabas ng room, natatawa nalang ang mga kaklase niya sa kaniya kasi kilala na nila si thiara na ganun. Pag pagkain ang pag uusap galit galit muna.
BINABASA MO ANG
His Cold Woman
Roman d'amourmabigat sa loob na tanggapin na ang isang mabait, masayahin at mapagmahal na tao ay magiging isang malupit, mailap at malamig sa lahat. the warm that her presence is giving to the people who knows her eventually turn into cold icy one. she lost him...