mabilis na naglalakad si thiara papasok ng opisina habang nakasunod sa kanya ang sekretaryang si maya. may makapal itong salamin na mayat maya niyang inaayos dahil nalalaglag dahil sa pagmamadaling makasunod sa boss niya.
mahirap ng magkamali dahil ayaw nyang masigawan pero minsan kahit hindi siya nagkakamali ay nasusungitan parin sya nito.
nakasanayan narin nya ang ganoong ugali ng boss.
"ma'am the smith corp called, they want to set an appointment for the project proposal na sinabi nila last week sa party ni mr. chan." hindi siya nilingon ng boss pero alam niyang nakikinig ito, muntik na nyang mabangga ang likod nito ng bigla itong tumigil.
"what project?" tanong nito ng hindi lumilingon.
"a city complex." maiksi niyang sagot, sa tagal niyang nagtatrabaho dito ay alam na nitong ayaw ng boss nya ng paligoy ligoy.
"kailan ako walang schedule?" agad syang tumalima at tinignan ang planner ng boss bago sumagot.
"3 weeks from now wala po kayong schedule ng friday."
"schedule that for the smith's." yun lang at nagpatuloy na ito sa paglalakad papasok ng opisina.
pagpasok ng opisina ay nadatnan nya ang nakatatandang pinsan na si Xander na prenteng nakaupo sa upuan nya at umiikot ikot pa. napatigil ito ng pumasok sila sa loob.
"what brought you here?" malamig nitong tanong sa pinsang tumayo para bumeso sa kanya.
"so sungit naman our princess." malambing pero tila nagtatampong lumabi ito sa kanya.
"God,will you stop that!" inirapan nya ito na parang nandidiri sa ginagawa ni Xander.
natawa lang naman ang pinsan sa kanya.
"haha why? don't you find it cute? most of the girls I know told me that I'm cute when I pout." sabay halakhak pa nito at naupo sa sofa."yeah right, that's was, what? ten years ago?" pagsusungit pa nito.
"sungit sungit mo na talaga princess." humalukipkip sya at tinitigan ang magiging reaksyon ni thiara.
"well maybe because I'm not the same princess that everyone knows." malamig syang nakipagtitigan sa pinsan. Alam niyang naintindihan nito ang ibig nyang sabihin.
batid ni Xander na sa sandaling iyon ay hindi talaga ang pinsan nyang itinuring ng lahat na prinsesa ang kaharap nya, maaring binago na nga ito ng panahon dahil narin sa masaklap na pangyayaring iyon.
nakikita nya lang ang thiara na prinsesa nila kapag kausap nito ang minamahal na anak kaya minsan ay hinihiling nyang sana ay lagi nalang silang magkasamang mag ina para hindi niya nakikita ang isang malamig at walang emosyong pinsan na patuloy na kinakain ng galit ng nakaraan.
alam nyang malaking bahagi ng pinsan ang nawala kaya hanggat maaari ay nais nyang maibalik ang dating palangiti at positibong thiara.
"the hell with the stares?" iritableng sinimangutan ni thiara ang nakatulalang pinsan sa kanya.
naiiling na tumayo si Xander sa sofa bago naglakad papunta sa pintuan pero bago pa nya ito tuluyang mabuksan ay nagsalita sya.
"We miss you princess. . . . . . . our real princess." tuluyan na syang lumabas pagkatapos noon.
naiwan namang nakatulala si thiara sa pintuang nilabasan ng pinsan.
they miss me? am I gone? naitanong nya sa sarili.
naging tahimik lang naman sya pero may hindi nga ba sya napapansing ipinagbabago nya?
stupid thiara, you're being too much to them, you 're pushing them away, you're always turning them down everytime they approach you, so yeah, you've changed, a lot. narinig nyang boses sa isip niya.
BINABASA MO ANG
His Cold Woman
Romancemabigat sa loob na tanggapin na ang isang mabait, masayahin at mapagmahal na tao ay magiging isang malupit, mailap at malamig sa lahat. the warm that her presence is giving to the people who knows her eventually turn into cold icy one. she lost him...