HCW 6

0 0 0
                                    

Medyo tinanghali si thiara sa opisina dahil sa pangungulit ng anak na makasama ito sa breakfast.

"goodmorning ma'am." bati sa kanya ng mga empleyadong madaanan niya.

Hindi siya sumagot ni isa man sa mga ito at dire diretso sa opisina niya.

Wala namang kaso kahit na hindi niya sagutin ang mga empleyado dahil sanay na nga ang mga ito.

Pumasok ang sekretarya niya at inilapag ang ilang mga files sa lamesa nya.

"ito na ba lahat yun maya?" tanong niya habang iniisa isa ang mga papeles.

"yes ma'am, yan po lahat ng sales report for the past six months." napatango siya sa sekretarya bago isinenyas na makakaalis na ito.

Abala siya sa pagbabasa ng report na dinala ng sekretarya ng tumunog ang telepono sa tabi niya kaya sinagot niya ito.

"ma'am nandito po si mr. Lefivrel." imporma ng sekretarya niya.

"ok let him in." ibinaba niya ang telepono at kasunod noon ay ang pagpasok ng lalaking may asul na mga mata.

"good morning ms. lucas." nakangiting bati nito sa kanya.

"good morning, have a seat." itinuro nito ang upuan sa harap ng table niya at naupo.

"so, what brings you here mr. Lefivrel?" hindi man nakangiti ngunit maayos naman ang tonong tanong niya dito.

"well, I've been contacting your office for an appointment para sa business proposal ko, but you seems to be so aloof, so I decided to finally visit the beautiful thiara lucas." his smirk is screaming boastfulness and thiara doesn't like it at all.

Napasandal sya sa upuan niya bago mataman na tinignan ang lalaki sa harap. Sa tantya niya ay magkasing edad lamang sila. Hindi niya ito lubos na kilala kaya hindi niya masasabi kung mabuting tao ba ito.

"hmmm. What is it?"

Nginitian siya ng binata bago ito sumagot.
"I wanted to put up a rooftop club sa lucas' building sa makati. What do you think? In yun ngayon kaya I assure you na good profit ito." he smirked.

Napailing siya sa kakampantehan nito sa pakikipag usap sa kanya.
"do you think my father- the C.E.O, will approve that? Knowing that, that club will disturb the people there? That condominium's occupants are mostly families, with childrens na kailangan ng peaceful na lugar."

Kahit hindi niya ikunsulta sa ama ay alam niyang hindi ito papayag, kahit siya ay against sa idea nito. Maganda naman talaga ang rooftop club pero ang building na gusto nitong pagtayuan ay puro pamilyado ang mostly na nakatira. They want peaceful environment for their family.

"and I don't understand why you are consulting me instead of my father. Kung confident ka sa proposal mo ay mas mabuti pang sa kanya ka dumiretso."

She went back to reading her files when he speaks again.

"I know you can help me ms. Lucas. You can talk to your father and convince him to approve my proposal and in return I will give you anything you want."

Unti unti niyang iniangat ang ulo mula sa pagbabasa patungo sa lalaking nasa harapan, his smug face is so confident that she'll agree with him.

"how about a million pesos? Or car? House? Come on, name it. I can give it to you. Isa ang mga lucas sa may kilalang pangalan sa industry na ito kaya good opportunity ang makapag tayo ng club sa isa sa mga building niyo."

Pagak siyang napatawa dito. Iba din nga ang confidence ng isang ito, masyadong tiwala sa sarili.

"you're making me laugh mr. Lefivrel." hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya ang binata habang siya ay naiiling lang.

His Cold WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon