Prologue:

210 9 2
                                    

Sabi nila hindi mo pwedeng turuan ang puso mo. Ganun ba talaga yun? 'Di ko pwedeng sabihin sa puso ko na siya na lang kasi mahal ako at wag na siya kasi nasasaktan lang ako. Kung maari lang talaga sana, matagal ko ng ginawa pero wala eh, puso na ang pinag-uusapan dito at wala pang nagpapatunay na pwede mong turuan ang puso.

Sino ba ang karapat-dapat na piliin ko? Ang taong mahal ako at kayang gawin ang lahat para mahalin ko rin sya?

"Please, nagmamakaawa ako. Love me back"

O ang taong kahit walang ginawa ay pilit na tumitibok ang puso ko para sa kanya?

Mahirap pumili. Mahirap magkamali. Once na pumili ako sa kanila, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sasaya ba ako kasi minahal ako o masasaktan kasi mali ang pinili ko?

"I'll try" yan ang sagot ko sa kanya, sa taong mahal ako.

Mahirap man ay pipilitin ko. Ayokong makasakit, tama nang ako nalang.

Gagawin ko ang lahat para mahalin sya, para maging masaya sya at para masabi ko sa sarili ko na kaya ko pala . . . Kaya kong magmahal ng taong 'di ko mahal sa umpisa.

Operation: Fall InLove With My Husband. I want to love him as much as he do. Ayokong maging unfair sa kanya kaya sana . . . Sana matuto na ang puso ko na mahalin sya . . . Sana.

Operation: Fall InLove With My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon