Chapter Five

81 5 4
                                    

Chriztah's POV

'Di ko alam kung bakit may Sinigang na Hipon dito kasi may date naman kami. Pero napapangiti na lang ako kasi nagiging maaalagain na naman siya.

Tinikman ko na muna yung Sinigang na Hipon bago ko itabi. At syempre masarap 'yon. Maya-maya pa bumukas na ang pinto at nakita ko si Elijah na nakaayos rin. At masasabi kong, ang gwapo niya ngayon. Well, gwapo naman talaga siya pero mas gumwapo siya.

"You're gorgeous, Chriztah."

"Ahm, thanks," nauutal kong sabi sa kanya. 'Di ako makatingin sa kanya ng diretso. Siguro dahil nahihiya ako. Oo nga, nahihiya nga ako.

"So? Let's go?"

Tumango ako sa kanya nang hindi pa rin tumitingin. Inalok niya sa akin yung braso niya at nilagay ko doon ang kamay ko.

"Don't be shy, Chriztah. Dapat masanay ka na. Magdadate na tayo ng madalas."

Is this for real?

"Ahm, yeah."

Napatawa siya ng bahagya, " You're cute. I love you."

****

'Di ko pa rin maalis sa isip ko yung sinabi niya kanina. At dahil sa pag-iisip ko, nakadating na pala kami sa restaurant. Fine restaurant siya. Syempre, mayaman 'tong si Elijah eh. Pero kung ako lang ang papipiliin, mas gusto ko yung luto ni Elijah.

Argh, what's happening to me?

Too much of that. Pumasok na kami at dahil nagpareserve na si Elijah, 'di na kami naghanap pa nang mauupuan. Binigay sa amin ang menu. At 'di ako makapili kung ano bang kakainin ko. 'Di kasi ako sanay kumain sa mga ganitong restaurant.

"Choose anything that you want."

"Elijah, ah, 'di ko alam kung saan dito yung gusto kong kainin eh. Pwede bang ikaw na lang ang pumili?"

"Sure. No problem."

Ngumiti siya sa akin at gano'n rin ako sa kanya.

"So, nasarapan ka ba sa Sinigang na Hipon na niluto ko?" Bigla niyang tanong habang hinihintay namin yung pagkain na inorder namin—ni Elijah.

"Okay na okay. Pero tanong ko lang, ba't nagluto ka pa ng Sinigang na Hipon. Eh diba, sa labas rin tayo kakain."

"Ayaw ko kasing magutom ka habang hinihintay ako. Kaya nagluto na lang muna ako para sayo."

Bigla na lang akong napangiti sa sinabi niya. He's too caring for me.

Nag-usap-usap pa kami ni Elijah habang hinihintay yung pagkain. Mga ilang sandali pa ay dumating na rin ito. At napanganga na lang ako kasi ang dami niya palang inorder.

"Ba't napakarami naman? Parang 'di naman ata natin 'to mauubos."

"'Di ko kasi alam yung gusto mo eh. Kaya inorder ko yung masasarap nilang dish. And don't worry, ipapatakeout na lang natin kapag 'di naubos. But for now, let's just enjoy this foods and our date."

Let's just enjoy this foods and our date.

And our date.

Date nga talaga 'to. Napangiti ulit ako sa sinabi niya at nagsimula ng kumain. Parang ang weird ng nararamdaman ko ngayon.

Am I falling in love?

Nah, ang gulo. Aish. Basta mamaya ko na lang 'yan iisipin. Ieenjoy ko na lang muna 'tong mga pagkain—at ang date namin, gaya nga ng sinabi ni Elijah.

"Ahm, can I join in?" Tanong ng isang lalaking lumapit sa amin habang kumakain kami.

'Di ko masyadong makita yung mukha niya kasi nakatagilid siya ng konti.

Pero laking gulat ko nang si Elizeo pala 'to. At pagkalingon niya sa pwesto namin, biglang nagkatama ang tingin namin sa isa't-isa. Nagtitigan kami ng ilang saglit at naputol 'yon nung hinawakan ni Elijah ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

I need to reject Elizeo. Ayaw kong masirang 'tong gabi na 'to. I'll just talk to him but not this night.

"Sorry, pero bawal eh. May mga upuan pa na naman diyan."

"Bakit naman? I just want to join."

"Ah, date kasi namin 'to."

Natigilan siya sa sinabi ko. Alam kong hindi niya ineexpect na sasabihin ko 'to. Ako rin naman.

"Sorry for interrupting your date."

I'm sorry Elizeo.

****
A/N: Sorry for the long wait guys. But here you go! An update for you. If you enjoy this, please give it a vote, comment and a feedback. Hope you enjoy this! Saranghae!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Fall InLove With My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon