Chapter Three

68 4 0
                                    

Chriztah's POV:

Tama na siguro 'tong guidelines na 'to. Pero kaya ko ba? Tama ba 'tong gagawin ko?

Nakakainis. Hindi dapat ganito ang buhay ko. Hindi ito ang gusto kong buhay pero ano? Pinasok ko 'to. Pinili kong maging ganito ang takbo ng buhay ko kasi yun ang gusto ng pamilya ko.

Masaya sila para sakin pero ako ba masaya? Siguro oo kasi finally nagpakasal na ako. I can start my own finally but the problem is... with my bestfriend *sigh*

Paano ba 'to? Habang tumatagal nahihirapan ako.

Pinagmasdan ko si Elijah na nasa kusina at abalang abala sa pagluluto.

Gwapo siya, mabait, matalino, maalagain, mayaman at mahal na mahal ako. May hahanapin pa ba ako sakanya? Meron. At yun ang oras na mamahalin ko na rin siya.

"Halika na Chriztah. Kumain na tayo" narinig kong sabi niya mula sa kusina.

Nakita ko na tinignan niya ako at nginitian. Nginitian ko na lang din siya saka tatayo na sana nang biglang nagbeep ang cellphone ko.

*1 message received*

Kinuha ko muna yun at habang naglalakad papuntang kusina ay binubuksan ko ito.

Napatigil ako sa nakita ko.

From Elizeo:

Magkita tayo


"Chriztah may problema ba?"

Napatingin agad ako sakanya at nakita ko na nakaupo na siya.

"W-ala" sagot ko na lang saka dali daling pumunta sa kusina at umupo sa kabilang dulo ng lamesa.

Pinaghainan ako ni Elijah na talaga namang ginagawa niya. Napakabait niya talaga. Haaay. Bakit ba kasi ako pa ang minahal niya? Hindi ako ang karapat dapat sakanya pero I'll try.

"Salamat" sabi ko matapos niya ang paghainan.

Bumalik na siya sa upuan niya pero tinignan ko pa rin siya. Mayamaya ay tumayo ako at lumapit sa pwesto niya.

Pinaghainan ko rin siya na siya namang ikinagulat niya.

"Ako na. Kumain ka na lang dun" saad niya

"Hindi. Dapat ako ang naghahain sayo kasi ako ang babae at ako ang asawa mo. Pagod ka na nga sa trabaho tapos papagurin mo pa ang sarili mo sa pag aasikaso sakin? Magtira ka naman ng para sayo. Wag mong pagurin ang sarili mo para sa iba na kaya namang gawin mag isa" mahabang eksplenasyon ko at alam ko na nakatingin siya sakin. Double Meaning. Double meaning ang sinabi ko at nakakasiguro akong naintindihan niya yun.

Nilagyan ko siya ng kanin at ulam. Pagkatapos nun ay babalik na sana ako sa upuan ko ng hawakan niya ang kamay ko.

Pinipilit kong di siya tignan pero siya mismo ang humarap sa mukha ko.

"Hindi ko kayang tignan ang mahal ko ng gawa ng gawa kasi natatakot ako. Sorry kung ayaw kong ikaw ang kumikilos. Sorry kung lagi kitang inaalagaan. Natatakot kasi ako Chriztah. Natatakot na baka kapag pinabayaan kitang gawin yun ay mawala ka sakin. Mahal na mahal kita" nangingilid ang luhang sabi niya.

Unti unting nagsipatakan ang luha ko. Sincere siya. Totoo ang sinasabi niya at damang dama ko ang pagmamahal at sakit sa mata niya.

Iniwas ko ang tingin ko at agad na bumalik sa upuan ko hindi para kumain kundi para kunin ang cellphone ko.

"Aakyat na ako" sabi ko na lang atsaka naglakad na papuntang kwarto pefo habang naglalakad ako ay may nagtext.

From Elizeo:

Mahal kita Chriztah

(A/N: Hello! Isa pang co-writer here! Sorry kung ngayon lang nakagawa ng chappie. Busy sa school eh. Anyway, vote and comment po To my co-writers, chat tayo para naman makilala natin ang isat isa :))

Operation: Fall InLove With My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon