Chapter Two

117 5 0
                                    

Chriztah's POV

Mahirap talaga magmahal. Lalo na kapag hindi mo kaya. Yung hindi mo kayang ibalik sa kanya yung pagmamahal na binibigay sayo.

Mahirap pilitin yung sarili mo na ibigin yung taong 'yon. Mahirap kontrolin yung utak mo kung ganito ang sitwasyon. Pero mas nahihirapan ang puso mo.

Iba rin kasi sa sitwasyon ko. Asawa ko siya pero hindi ko man lang siya kayang mahalin pabalik.

Pero, itatry ko naman diba? Bibigyan ko ng chance yung sarili at puso ko na mahalin siya pabalik.

At, alam ko naman na mahihirapan ako. Lahat naman na nasa sitwasyon ko rin, mahihirapan.

"Hi. Tulala ka diyan," napalingon ako kay Elijah.

Andito na pala si Elijah. Hindi ko man lang napansin. Masyado ko na yatang iniisip yung tungkol sa pagmahal ko sa kanya pabalik.

"Mind to share that with me?"

"Wala naman 'to, Elijah."

"Okay. Hindi na kita pipilitin. Magbibihis lang ako. Tawagin mo na lang ako 'pag may kailangan ka."

Tumango na lang ako sa kanya.

Napakamaalaga niya talaga. Halata rin sa kanya na mahal na mahal niya talaga ako. Ang masama lang, hindi ko 'yon mabalik sa kanya.

Mga ilang sandali pa ay bumaba na siya. Agad naman siyang tumabi sa akin ss couch.

"Naghapunan ka na ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa. Hindi pa rin ako nakakaluto."

"Hindi mo dapat ginugutom yung sarili mo. Magluluto na lang muna ako saglit para sa hapunan natin."

Tumayo siya at dumiretso na sa kusina. Siguradong masarap 'yan, chef siya, eh.

Habang hinihintay siya, naisipan kong magsulat-sulat muna.

Kumuha ako ng papel at ballpen na nasa study table.

Ano bang isusulat ko?

Story? Poem? Tips? Guidelines? Advice? Song?

Yun nga. Guidelines. Siguro gagawa na lang ako ng sarili kong guidelines kung paano ko siya mamahalin pabalik.

Hmm.

-Forget the things na magpapa-alala kay Elizeo.

Okay siguro 'to. Kailangan ko nang alisin o itapon yung mga bagay na magpapa-alala lang sa kanya.

-Bigyan ng oras ang sarili ko para kay Elijah.

Maybe, bonding namin sa isa't-isa.

-I need to appreciate things na ginagawa niya sa akin.

-Forget him. Forget Elizeo.

Mahirap 'to. Hindi ko alam kung bakit ko 'yan sinali. Pero sa tingin ko, ito lang yung effective. Pero, hindi ko naman kayang kalimutan ang isang tao na basta-basta lang, eh.

-But, don't force love.

Hindi ko alam kung guideline ba 'to o ano. Bigla na lang 'yan pumasok sa isip ko.

Pero, sa lahat ng mga guidelines na 'yan, kaya ko na bang mahalin siya pabalik?

****

(A/N: Hi guys! Co-writer here. Sana po magustuhan niyo yung update in behalf of the author. Nagpapasalamat nga pala ako sa author talaga nitong book na 'to kasi bingyan niya ako ng chance para magsulat dito. So, salamat! Vote and Comment, guys! Ma-aappreciate namin 'yon. Thanks! And God Bless)

Operation: Fall InLove With My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon