Chapter 2

14 3 0
                                    

Chapter 2: Cat

Mabilis itong bumalik sa loob ng kotse. Tinignan ko ang relo ko. I still have time.

"Caravan." I offered my hand. "Caravan Locsin."

"Vladimir." nakangiting tinanggap niya ang kamay ko.

"Last name?"

"Kailangan pa ba yon?"

"Last name."

"Salvador."

Tumango ako. "We'll talk about it after work. But for now... please look after Niyebe."

Panindigan mo 'to Caravan.

He raised a brow. Dumaan ang yamot sa mukha niya. Nawala din naman yon.

"Okay." maikling sagot niya.

"Here's the key to my condo and the address. Bili ka narin cat food sa vet shop. May malapit dun sa condo." Inabot ko sakanya ang isang key card, maliit na papel at tatlong buong one thousand peso bill.

"Gagamitin ko 'tong sasakyan mo?" tanong niya.

"Magc-commute ka." diretsong sagot ko.

Ayan na naman ang yamot sa mukha niya.

"Makikita ng mga tao ang pusa. Artista pa naman may-ari niyan." ngumisi ito.

Nagulat ako. There's something about this guy. Wala pang taong nababasa at napapapayag ako lalong-lalo na kung kakakilala ko lang nito. But still, he managed to.

"Okay. You'll use my car." pagpayag ko. "But return here before 6." I commanded. "Phone."

Binigay niya agad ito. Binigay ko din ang saakin.

Wala akong tiwala sa kanya kaya ki-nopy paste ko ang number niya at sinend sa fb ko. Nilink ko rin ang GPS niya saakin.

Tapos na rin siya sa pagtipa ng number niya at ibinalik ang telepono ko saakin.

Tinignan ko ang pangalan na nilagay niya sa contacts ko.

'Count Vlad.' the screen informed.

"Really?" Natatawang tanong ko.

He just shrugged.

Tinignan ko ang number na si-nend ko sa fb messenger ko. Pareho naman ito sa si-nave niya.

Bumaba na ako sa sasakyan.

He then immediately took the reign on the driver's seat. Kinuha niya si Niyebe sa likod at nilagay sa kandungan niya.

"Okay ka na?" sarkastikong tanong niya.

"Be here at 6."

Tumango ito. Pabagsak na sinarado niya sa harap ko ang sasakyan. Sumilip sa papel at nagsimula nang magmaneho.

He reminds me of myself before. That acting cold but clearly cares about what's around him. His eyes tells it so.

I wonder what he does for life and why he ended up taking things that's not his. Hindi naman siya mukhang lumaki sa hirap.

I just shrugged my thoughts off. I'll just save it for later.

'Yun lang at pumasok na ako sa building kung nasaan ako nagt-trabaho.

Napansin kong nagkakagulo ang head quarters.

"Ms. Locsin, why are you late?!" sigaw ng head namin.

Nalito ako. "Am I?" tinignan ko ang relo ko. I'm 3 minutes late.

"My apologies ma'am. I dealt with something on my way here." I apologized.

"Get ready. You'll substitute the anchor. We're airing in 5 minutes." sunod-sunod na command nito at tumalikod na. Magkaedaran lang kami pero kakatwang ang taas ng tingin ko sakanya.

Stealing EscapadesWhere stories live. Discover now