Chapter 5: Cemetery
It has been weeks since I once again bumped into Luigi. And now, were here at a cemetery. Hindi para dalawin ang kahit sinong namayapa. Andito kami para magpicnic!
Nilatag na niya ang picnic matt. Ako naman ang nag-ayos ng pagkain.
Kuha siya ng kuha sa pagkain habang nag-aayos ako.
Tinampal ko ang kamay niyang kukuha nanaman sana.
"Papak ka ng papak, kita mong 'di pa ako tapos." inis na ani ko.
"Problema mo? Kakainin padin naman 'yan." pagrarason niya. "Pahingi." kukuha nanaman sana siya.
Tinampal ko ulit ang kamay niya. Mas malakas ngayon. "Mag hulos dili nga 'yang bunganga mo. Pipicturan ko pa 'yan."
"Oh shit." nagpanggap siyang nabigla. "Journalist ka parin pala? Akala ko full-time kawatan kana?" tumawa siya.
"Sick-leave ako." umirap ako.
Tumawa lang siya.
"This feels illegal." maya-maya na ani Luigi habang nagtitingin-tingin sa paligid ng sementeryo.
I just gave him a look. Confused.
"It feels illegal staying here without visiting someone" pagtapos niya sa sinasabi.
"But you being a thief doesn't feel illegal to you?" I smirked.
He frowned. "Ibang usapan yon." he chuckled.
I chuckled as well. "I chose this place... para incase matiklo tayo, may oras pa tayong makahinga." tumawa ako.
Tinitigan lang niya ako.
"Quit staring." nagkunwari akong galit. "Right now Igi." pambabanta ko.
"I'm not staring at you." ani niya at ngumuso.
"Anong..." ani ko at ginaya ang ginawa niya.
Ngumuso siya ulit. "Ayun o." mukhang tinuturo niya ang likuran ko.
Lumingon naman ako. Nakita ko ang grupo ng kabataang satingin ko ay nasa college na.
"Hala, si Caravan Locsin nga!" sigaw ng isa sa sakanila. May nakasabit na Camera sa leeg niya.
Tumakbo sila sa direksyon kung saan kami.
"Hello po ate Caravan! I'm an avid fan of yours!" halos nag dideliryo siya sa lakas ng tili.
"Hi." sagot ko nalang at ngumiti.
Tumili nanaman siya. Hinarap niya ang mga kaibigan. "Nag hi siya, gago nag hi siya!!!!" mukhang tanga niyang sabi sa mag kaibigan niya. Ngumiti lang sila sakanya. Mukhang masaya naman sila para sa kaibigan.
Humarap siya ulit saakin. "Lolaine Villaganas po, Journalism student." inalok niya ang kamay niya kaya tumayo ako at nakangiting tinanggap iyon. "The first time I saw you reporting, humanga po ako agad. I looked up to some articles about you, nalaman ko pong member ka rin ng print media. I'm hoping to be like you in this upcoming years." she said all smiles. I love the enthusiasm I see in her.
Nakangiting tumango ako.
"Pwede po bang pa sign ng shirt ko?" tanong niya. At inabot saakin ang pen.
"No."
Nabigla naman siya sa sagot ko.
"Ay... sige po okay lang po. Nice to meet yo-"
"Give me your notebooks. All of it." I cut her off. Intentionally stern. Kinuha ko ang ballpen sa kamay niya.
"O-opo." dali-dali naman itong naghalungkat sa bag niya. Naglabas ito ng mahigit sampung notebook.