ONE
"I'm gonna miss her forever because my heart only belongs to her."
Then she heard a very loud noise that followed by a blinding light flashing in front of her and the next thing she knew is that she is lying on a very uncomfortable bed.
"My back hurts," hindi niya napigilang reklamo at bumangon na. Kaagad siyang napasulyap sa ilalim ng katre na hinigaan niya nang marinig ang isa pang boses sa loob ng kwarto maliban sa kaniya.
Yes, she is not alone inside the room. May kasama siyang reklamador rin.
"Aw, ang likod ko! Nagyelo na yata pakitingnan nga." At tumalikod ito sa kaniya para ipakita ang likod nito. Sumimangot siya at sinamaan ng tingin ang kasama, yun ang reaksyong naabutan ni Tala ng lingunin siya nito. Katulad niya ay sumimangot din ito bago tumayo at nagstretching. Mas lalong sumama ang mukha niya.
"Do you really have to do that in front of me?" may bahid na inis na suway niya dito pero inismiran lang siya nito at nagawa pang asarin.
"Do you really have to do that in front of me? Tss. Arte!" sinamaan niya ito ng tingin pero hindi man lang siya nito nilingon at abala sa pag aayos ng hinigaan nito. Nang matapos ay hinarap siya nito at tinaasan ng kilay.
"What?" pagmamaldita niya dito. She can sense that the girl in front of her have some attitude too, pero magpapatalo ba siya? Heck no!
Sumambukol ang pisngi nito tanda na talo na ito sa kaniya. She smirked.
"Hmp! Pasalamat ka at marunong pa rin akong rumespeto ng nakakatanda sa akin dahil kung hindi ay kinaladkad na kita palabas ng bahay namin." Tala's words made her cleared her throat awkwardly.
The word 'nakakatanda' really bothers her because it was so wrong. It is the other way around!
Tala's 18 and she's 20 but God only knows how her time goes insanely unbelievable to believe by someone. Yes, she's 20 but Tala is more way older than her because Tala's from the past while she ridiculously came from the future!
It's not just the time-lapse that bothers her but the fact that she traveled back to the past and meet strangers who unbelievably too good. Well, except for one person that hated her.
"Taga-saan ka ba ineng? Bakit ka napadpad dito?" the old woman asked her as soon as they started eating breakfast. Everything is very new to her. Starting from the old and small house that gives her shelter for the meantime, sa mga di kilalang mga taong kasama niya at sa mga pagkaing nakahain sa hapag.
"Nawawala ka ba? Anong pangalan mo hija?"
"Baka kriminal at hinahabol ng pulis kaya napadpad yan dito." Kaagad na sumama ang tingin niya kay Tala na sa ngayon ay kumakain na gamit lamang ang mga kamay. Hindi niya napigilang mapangiwi. Hindi siya sanay sa nakikita niya. It is so weird and...
"I am not a criminal! In fact – " sandali siyang natigilan. Naalala niyang hindi niya kapanahonan ang panahon kung nasaan siya ngayon. At nasisigurado niyang hindi pa nag-eexist ang pangalan niya sa birth certificate kaya maaari siyang malagay sa mas magulo pang sitwasyon kapag sinabi niya kung sino talaga siya.
Tinaasan siya ng kilay ni Tala na tila nang-aasar pa.
"Ano? Bakit hindi mo matuloy ang sasabihin mo?"
"Tala," narinig niyang suway ng matanda sa apo. Umiwas na lamang siya ng tingin.
"I-I don't remember who I am." Malakas na hinampas ni Tala ang lamesa dahilan na napaigtad silang dalawa ng matanda.
"Juskung bata ka!" gulat na usal ng matanda at kinurot ang tagiliran ng apo na ikinangiwi nito.
"Aw! Kasi naman lola kaduda-duda ang sagot niya! Hindi alam ang pangalan pero parang gripo ang bunganga kung um-ingles! Tapos alam niya kung ilang taon siya!"
"Sinong nagsabi sayo niyan?" mahinahong tanong ng matanda habang nilalagyan ng kanina ang plato niya na ikinagulat niya.
Nginitian lang siya nito dahilan na makaramdam siya ng kung anong humaplos sa kanyang puso. Pero kaagad din iyong naantala dahil sa bunganga ng nag-iisang apo ng matanda.
"Siya!" pagtuturo nito sa kanya nanlalaki pa ang mga mata.
"Nung sinabi kong dapat niya akong galangin kasi mukha akong nakakatanda sa kanya dahil 18 na ako pero sagot niya sakin, 20 siya!" napapikit siya dahil sa lakas ng boses nito.
"Do you really need to shout?" mahinahon niyang saad kahit na ang totoo ay gusto na niya itong sampulan.
"Huminahon ka nga, Tala. Kumain ka na lang muna." Tugon na lamang ng matanda. Sumunod din naman ito pero hindi inaalis ang masamang tingin sa kaniya.
"Wala ka talagang maalala, hija? Kahit pangalan mo?" muling tanong ng matanda sa kaniya. Panandaliang nagblangko ang kaniyang mga mata.
She hated her name. It resembles her father's first love's name.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at ipinagkrus ang daliri sa ilalim ng mesa.
"No. P-pero may mga bagay-bagay po akong naalala."
"Katulad ng ano? Edad mo?" sinamaan niya ng tingin si Tala pero kaagad lang siya nitong inirapan.
"Yes." Matigas na sagot niya dito at nagkibit balikat lang ito sa kanya.
"Ano pa, hija? Ano pang naaalala mo?"
Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago sinagot ang tanong nito sa kanya.
"I have to find someone."
"Sino hija?" napakagat siya ng ibabang labi at napalunok.
"C-Chadd Stephan Vargas," she spoke out that earn a loud cough from the most annoying person she met.
★•★•★
BINABASA MO ANG
Save Thy Lover [Completed]
Short StoryA girl from the future traveled back to the past to save the lover of her father. But every action has its consequences.