EIGHT
"A-anong ginawa mo?" tila wala sa sariling tanong ni Tala kay Namae nang bumalik ang lahat sa kaniya.
Niligtas siya nito. Bagay na hindi sana nito ginawa.
"Why?" narinig niyang bulong ni Namae na sa ngayon ay nakaupo na sa kalsada katulad niya. Tila hindi nila alintana ang malakas na ulan.
"Why? Why are you here?!" tila may bumara sa kaniyang lalamunan nang makita ang kalagayan nito. Bumigat ang kaniyang dibdib at hindi napigilang mapangiwi nang makaramdam siya ng kaunting pagguhit ng sakit dito.
Nilibot niya ang tingin sa paligid. Unti-unti nang dumadami ang mga tao. Pero nakuha ng atensyon niya ang wasak na sasakyan na binangga ng malaking truck kanina.
May mga nagtatangkang lumapit, ang iba ay tila may tinatawagan. Ang iba naman ay tinutulungan ang isang lalaking nakahiga sa tabi ng kalsada at walang malay.
Tila ginapangan ng kilabot ang katawan ni Tala ng mapansin ang pag-agos ng dugo sa kinalalagyan ng walang malay na lalaki na sumasabay sa tubig ulan.
"I-I failed. I didn't save her. And worse, my D-Dad," hindi na nito natuloy ang sasabihin at puno ng pighating humikbi habang nakatingin sa katawan ng lalaking tinatawag nitong ama.
Naawa siya rito. Parang gusto niyang sisihin ang sarili. Kung sana ay hindi siya lumapit, siguro ay nailigtas na nito ang dalawa.
'Pero gusto ko lang makatulong.' malungkot na bulong ng isip niya.
Lumuhod na lamang siya at ikinulong sa kaniyang mga bisig ang kaibigang patuloy pa ring umiiyak. Sa kabila ng kaguluhan sa kanilang paligid, nakakapagtaka't tila hindi sila nito napapansin. Tila ba bigla na lamang silang naging invisible sa mga mata ng mga tao roon.
Ramdam niya ang sakit sa bawat hikbi ni Namae. Tila ba pinupunit ang puso niya dahil dito. At sa bawat patak ng ulan, sumasabay kanilang mga luha sa paglandas.
Humigpit ang yakap niya rito.
"Sorry, kasalanan ko." sisi niya sa sarili.
"Sana ay hindi na lang ako lumapit. Sorry." humihikbing usal niya. Hindi siya nagreklamo nang maramdaman ang mahigpit na paghawak ni Namae sa kaniyang suot at paghampas nito sa kaniya.
Sa pagkakataong iyon ay sumagi sa isip niya ang dahilan ni Namae sa pagbalik sa nakaraan.
"Kung pwede lang sanang ibalik ang oras, gagawin ko lahat. Iiwasan ko ang dapat iwasan. Itatama ko lahat ng maling ginawa ko," mariin siyang napapikit nang muling gumuhit ang sakit sa kaniyang puso.
"Tala," tawag nito sa kaniyang pangalan at dahan-dahang lumayo sa kaniya. Kaagad na sumalubong sa kaniya ang malungkot nitong mga mata pero kahit ganon ay sinubukan pa rin nitong ngitian siya.
Hinawakan ni Namae ang kaniyang mga kamay.
"Can I make a wish? Even for the last time?" napahikbi na lang siya sa tinuran nito. Mas lalo siyang nagi-guilty. Hindi naman kasi totoong natutupad ang mga hiling ng sinumang humihiling sa kaniya. Ginagawa lang niya iyon para pagaanin ang loob ng mga ito.
"P-pero," humigpit ang pagkakahawak ni Namae sa kaniyang mga kamay. Inangat nito iyon at lumuhod rin katulad niya. Dinala nito ang magkahugpong nilang mga kamay malapit sa kanilang dibdib. Sa kabila ng lamig ng ulan ay ramdam ni Tala ang mainit nitong palad at sa hindi malamang dahilan ay tila baga ito sa sobrang init. Nakakapaso ngunit hindi niya magawang ilayo ang mga kamay dito.

BINABASA MO ANG
Save Thy Lover [Completed]
Cerita PendekA girl from the future traveled back to the past to save the lover of her father. But every action has its consequences.