SEVEN
August 15, 2020
Today is that day.
The rain is pouring so hard as if the sky is in rage. She can hear the roar of the thunder that followed by the strike of lightning that gives her chills.
It's scary to go outside but she has to. Nilingon niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng bahay nina Tala. Hindi niya mapigilang mapakagat ng ibabang labi ng makitang pasado alas singko na ng hapon pero hindi halata dahil sa sobrang dilim ng kalangitan.
Wala mang naitalang bagyo pero halos gumuho ang kalangitan dahil sa tindi ng lakas ng pagkulob.
Mariin siyang napapikit habang inaalala ang ikinuwento ng Ninang Nikka niya noon tungkol sa aksidenteng nangyari sa kaniyang ama at sa kasintahan nito. She doesn't know why her ninang knew that story because she won't answer her when she asked her. It's like she's keeping the most important part of that story to her.
"Raging sky... Felis street... six in the evening... the moment your father regret in his whole life..."
Namae gasped for air as she felt her heartbeat getting faster. Then again, she check the time.
Hindi na siya mapakali. At napansin iyon ng matanda kaya nilapitan siya nito.
"Ayos ka lang ba, hija?"
"I-I have to go," it's like anxiety is attacking her system as the time continue to tick and she's still in the house.
"Saan ka ba pupunta? Masyadong malakas ang ulan. Magagabi na rin." nag-aalalang turan sa kaniya ng matanda saka tumingin sa labas ng bahay. Mas lalong dumoble ang bilis ng tibok ng puso ni Namae. Parang may humihila sa kaniyang lumisan na.
Sa huli ay napabuntong hininga na lamang si Greta at kinuha ang kapote ni Tala at payong. Natigilan si Namae nang inabot ito ng matanda sa kaniya.
"Sige na. Alam kong nag-aaalala ka na rin kay Tala. Sunduin mo na siya." wala sa sariling napatingin si Namae sa kapote at payong na nasa kmaay niya. Bumuka ang kaniyang labi pero walang salita ang lumabas sa kaniyang bibig. Bigla siyang nakaramdam ng guilt.
Buong akala ng matanda ay nag-aaalala siya sa apo nito kahit na ang totoo ay ibang tao ang nasa isip niya. Tila may bumara sa kaniyang lalamunan. Pakiramdam niya traydor siya sa mga oras na iyon. Mariin siyang napapikit bago mabilis na isinuot ang kapote at tumalikod sa matanda.
'I'm sorry, Tala.' sigaw ng kaniyang isip habang tinatakbo ang daan patungong kalsada. Hindi niya alintana ang malakas na buhos ng ulan at malalakas na kulog at kidlat na tila babala sa gagawin niya.
'But I have to do this! I only want my parents to be free from each other and be with the one they truly love! I know mom will be less anguish without my Dad. And Dad will truly be happy with the person he misses almost all his life.'
Impit siyang napasigaw nang bigla siyang nadulas at bumagsak sa lupa. Ramdam niya ang hapdi na nagmumula sa kaniyang braso at tuhod pero walang-wala iyon sa hapdi na unti-unting lumalamukos sa kaniyang puso.
Kahit nanlalabo na ang kaniyang paningin dahil sa kaniyang mga luha na sumasabay sa agos ng patak ng ulan ay pinilit pa rin niyang tumayo. Pero kaagad ding napaluhod kasabay ng pagguhit ng kidlat na tila pati siya ay natamaan.
BINABASA MO ANG
Save Thy Lover [Completed]
Storie breviA girl from the future traveled back to the past to save the lover of her father. But every action has its consequences.