TWO
“Namae,” kaagad niyang sinamaan ng tingin si Tala dahil sa salitang ginamit nitong pagtawag sa kaniya. Mas lalong lumaki ang ngisi nito nang lumingon siya.
“For pete’s sake! Stop calling me some weird names!” she hissed pero tila wala itong narinig.
“Pero hindi mo alam kung ano pangalan mo kaya yun na lang ang itatawag ko sa iyo. Namae. Cute diba?” mariin siyang pumikit dahil sa kaweirduhan nito. Kung hindi lamang sa mabait nitong lola at kung hindi lang sana siya nangangailangan ng pansamantalang matitirhan ay nilisan na niya ang bahay ng mga ito.
Marahas na lamang siyang napabuntong hininga at sumulyap sa kawalan. Tatlong araw na siyang nakikituloy sa mga ito and so far ay nasisiguro niyang mapagkakatiwalaan ang mga ito. Of course, Tala too. Hindi nga lang halata dahil sa parati nitong pinapainit ang ulo niya.
Naramdaman niyang umupo ito sa kaniyang tabi. Pumintig ang ugat sa kaniyang sentido ng maramdaman ang nang aasar na naman nitong ngisi habang nakatingin sa kaniya.
“Namae,”
“Shut the fvck up.” Matigas na sagot niya dito. Naramdaman niya ang bigla nitong pagkabato kaya wala sa sariling nilingon niya ito.
She saw how her reaction changed as if hearing those words made her feel uneasy. For some reason, she has the urge to take her words back.
“T-Tala, I – ” nagulat siya ng bigla itong tumayo na tila may biglang naalala. Sinapo nito ang magkabilang pisngi at bigla na lamang sumigaw na muntik na niya ikinahulog sa papag na inuupuan niya.
“For pete’s sake!” bulalas niya pero hindi siya nito pinansin. Imbes ay hinila siya nito sa kamay at pinatayo na ikinalaki ng mga mata niya.
“Gusto mong sumama?” kumikislap ang mga matang tanong nito sa kaniya na ikinatayo ng balahibo niya. The way Tala’s eyes twinkle as if she just remember something ridiculous and want her to with it is creeping her out kaya kaagad niya itong hinindian.
“NO!” dahil sa sagot niya ay kaagad na nalukot ang mukha nito. Napasinghap siya ng basta-basta na lamang nitong bitawan ang kamay niya.
“You brat!” bulalas niya. Sumimangot ito sa harap niya at umiwas ng tingin na para bang nagtatampo.
The nerve of this old lady!
Maya-maya ay muli rin siya nitong nilingon.
“What?!” she almost yelled when she saw her eyes sparkle again. Nginisihan siya nito at tinaasan ng kilay.
“Diba may hinahanap kang tao?” and that got her attention. Tumaas-baba ang kilay nito at mas lalo pang napangisi ng hindi siya nakasagot.
“Sino nga ulit yun? Chadd?” naiyukom niya ang kanyang kamao. She knew that she’s playing with her.
“Ano? Sama ka?”
“W-where?” muntik pa siyang pumiyok nang itanong yun. Hindi niya gusto ang kung ano mang tumatakbo sa isip nito pero nagbabasakali pa rin siya.
Tala smiled at her and wink before spoke out the place that is really familiar to her.
“Brewed ‘n Smoothie.”
Namae’s heart can’t stop beating so fast as they finally arrived at Brewed ‘n Smoothie. She and her mom’s favorite and secret haven. Nanunuyo ang lalamunang inilibot niya ang paningin sa lugar. Everything is different. The place is so aesthetic, far so different from the present where every corner screams elegance.
She then felt a familiar pang on her chest as she remembered the moments that she and her mom spent on this place. Their voices and laughter is very clear on her mind that her eyes started to water.
“Anong ine-emote mo diyan?” tila umatras ang mga luhang kanina lang ay nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata ng marinig ang boses ni Tala. Sinamaan niya ng tingin ang walang alam na babaeng bumasag sa momentum niya.
Gusto sana niya itong singhalan pero pinili na lamang niyang kalmahin ang sarili. Tala helped her find a familiar place where she can start her search so she has to keep calm. Huwag lang sanang umandar ang pagiging makulit nito.
“Shut up.” Mahinang sagot na lamang niya.
“Luh! Nagtatanong lang eh.” Ngumuso ito kaya napairap na lamang siya. Hindi na lamang siya nagreklamo ng hinila siya nito papasok ng café. Muntik pa siyang matapilok dahil sa klase ng paghila nito sa kaniya. Susuwayin na sana niya ito nang bigla na lamang itong sumigaw na ikinangiwi niya.
“Bessy!” hyper na sigaw nito. Napatakip na lamang siya ng mukha dahil sa kahihiyan. Some customers are looking at them as she is being drag by Tala towards someone at the counter.
Narinig niya ang mahinhing pagtawa ng isang babae na siguro ay kakilala ni Tala na tinawag nitong ‘bessy’.
“Hindi mo kailangang sumigaw, Tala.” She almost opened her mouth to agree with the person but her mouth hanged open as soon as she was able to face that person. Her heart hammered that followed by a thousands of images flooded her mind by the person that is really close to her.
“Ninang Nikka…”
★•★•★

BINABASA MO ANG
Save Thy Lover [Completed]
Short StoryA girl from the future traveled back to the past to save the lover of her father. But every action has its consequences.