ANTOINETTE'S POV
"Antoinette, be safe, Dada and Mama loves you so much," bulong ni Dada saka ako hinalikan sa ulo, gano'n din si Mama.
"Dada? Mama?" wika ko nang bigla silang tumayo.
"Let's play by the rules, anak, hide-and-seek ito, right?" tanong ni Dada, tumango lang ako.
"I see, then I'll hide here!" masigla kong sagot.
Napansin kong umiiyak si Mama pero agad niyang pinunasan ang luha n'ya. They started to run after I hide myself behind the bins and trash bags, not minding the foul smell around.
Then, I heard multiple deafening bangs.
"Fireworks?" tanong ko habang tumingala pero wala akong nakita kundi ang mga bituin.
I sat and hid silently, careful not to make even the faintest noise, or let an inch in any part of me revealed even my shadow. I am a good girl and I cannot afford to lose in this game kahit 'di ko kilala sino ang taya. Baka si Grandpa?
Pero, ba't ang tagal nila Dada at Mama? Kanina pa ako naiinip dito e. Then, I saw lights of blue and red around na parang sumasayaw, kasabay ang tunog na wang-wang. I saw ambulance and police vehicles passed in front of me.
Napagdesisyunan kong sundan sila habang maingat na nagtatago sa mga puno ang poste. Baka nasa paligid lang si Grandpa!
Pagliko sa corner ng street nakita kong nakaparada ang ambulsya at police mobile sa harap ng isang tindahan. May mga tao ring nagkukumpulan. Tamang-tama! Makakapag-blend ako sa kanila para 'di ako mahuli ni Grandpa!
Mabilis akong tumakbo at lumusot sa kanila ngunit paglabas ko nakita ko si Dada at Mama na nakahiga sa sahig, may pula ring liquid na umaagos sa ilalim nila.
"Mama? Dada?"
Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko, isa-isa ring napalingon ang mga tao sa paligid. Pero, wala akong pakialam!
"Antoinette, apo ko!" rinig kong sigaw ni lola at mabilis akong binuhat.
"Grandma! Si Mama at Dada! Okay lang sila, 'di ba? 'Di ba?" umiiyak kong tanong habang pilit na kumakawala sa kanya para mapuntahan sila Mama at Dada.
"Nag-pe-play lang kami ng hide-and-seek e! Tapos si Grandpa 'yung taya e! 'Di ba, Grandpa?" sigaw ko nang makita ko si Grandpa na umiiyak.
Sumigaw ako nang sumigaw. Pinilit kong gisingin sila mama at dada sa mga sigaw ko kahit sumasakit na ang lalamunan ko. Wala akong pakialam, hanggang sa dumilim ang lahat.
"Lady Antoinette! Gising po, binabangungot po kayo!" rinig kong sigaw ng isang babae.
Mabilis kong minulat ang mga mata ko at agad na napabangon habang naghahabol ng hininga. Unti-unti naman akong napahagulhol nang maalala ko ang gabing 'yon. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang isang malambot at mainit na robe na bumalot sa katawan ko. Napalingon ako at nakita si Manang Generva na nakangiti sa'kin.
"Pasensya na po, manang," bulong ko, habang pinupunasan ang aking mga luha.
"Ayos lang po 'yon, m'lady," magalang na tugon n'ya.
Agad kong sinuot ang white and gold robe sa hubad kong katawan.
"Manang, 'wag na po kayong mag 'po' sa'kin, mas matanda pa po kayo sa'kin e," natatawa kong sagot.
"Kasama po 'yon sa trabaho namin, Lady Antoinette," sagot niya.
"I insist, manang. Tsaka yung 'Lady.'"
BINABASA MO ANG
My Childish Bodyguard
RomanceA princess-like heiress, Lady Andromeda Antoinette Cortez, of the Cortez Group of Companies has been hired numerous of bodyguards for her safety after the murder of her parents twelve years ago, yet they ended up being fired by her, until her grandf...